𝙰𝚕𝚘𝚗𝚎 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚖𝚎
"What are you doing here? Shouldn't you be at home right now?" I said when I saw Ashton alone inside the court of our school in his jersey, playing alone.
It's 6:00pm, may project kaming ginawa kaya natagalan ang aking paguwi. When I heard someone playing alone inside the court, pinuntahan ko agad yon para tingnan kung sino ang magisang naglalaro.
Hindi niya pinansin ang aking tanong at nagpatuloy sa paglalaro. I sighed and went to the bleacher. I sat near his things.
He's so sweaty and looking like a goddess playing alone inside the court. I'm wondering where's Rain? These past days, he's always with her pero kahapon ay wala ang babae.
What, did they broke up?
I smiled to myself and licked my lips. Did they really broke up? Oh my gosh I'm assuming so much.
I looked back up and watched him play. He's dribbling and shooting alone, tiring himself. Tumingin ako sa labas at nakitang medyo dumidilim na.
Manong Thomas:
Malapit ka na matapos Ma'am?I decided to ignore his text and stare more.
"Why are you practicing alone?"
Ang boses ko'y nae-echo sa buong silid. Sa laki ng gymnasium na ito ay kami lamang ang tao kaya naman angkin na angkin ng boses ko ang buong lugar. He didn't said a thing.
Tingin ko nga, kanina pa ako rito ay hindi manlang siya tumingin sa akin. Bakit ganito siya sa akin? Is he like this to any girl he know? At sadyang kay Rain lamang siya masiyahin?
I can feel the jealousy lingering inside my senses. It's making me sick. I can't help but to imagine him being happy with me soon. Iyon ang aking iniisip tuwing gabi kaya na rin ako medyo puyat.
His smile, that smile. I wanted to see him smile for me. I crave for that moment that I envy Rain for doing that easily. I've heard so much rumors about them being in a relationship.
Well, of course they'd assume that Rain and Ashton are together because they're always together.
I stared at Ashton's hard expression, he looked angry. The way his brows knitted and those sweats, it's making him look sexier than ever.
"You know, nakakatanda ang sobrang pagkunot ng noo. Magkaka-wrinkles ka." I said.
He didn't even spared a glance nor did he even stopped shooting. I played with my fingers, suddenly thinking of him looking old ....with me. He's still handsome.
"Ano bang ikinagagalit mo? May LQ ba kayo ni Rain? Hindi ko sya nakita kahapon with you." Sabi ko kahit deep inside me, I'm very bitter.
Of course I'm very bitter about that truth shit. Hindi imposible na talagang sila nga, maaaring siya ang dahilan ng pagkagalit ni Ashton ngayon.
Like before, hindi niya ako pinansin.
I gulped and pouted. He's such a snob! Hindi ko na alam kung bakit hindi niya ako pinapansin ng ganito! Sobrang pangit ko ba? Well sabi nila wala naman si Lord ginawang pangit.
I can't believe I'm saying that line right now!
"Base sa nakikita ko, your relationship is very healthy. Happy... and healthy... and happy..." I trailed off.
Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa katangahan. How stupid of me to say that! I hissed and looked at him again. This time, I expected that I won't receive any response from him.
And as I expected, he kept dribbling.
Ang bobo mo naman kase! Tsaka, bakit mo ba pinagpipilitan na gawing gusto ang relasyon nila kung meron man! Pero... baka nga siguro meron dahil, hindi siya natanggi.
"Alam mo, hindi kayo magkakaayos kung hindi kayo maguusap." Sabi ko at saka ko tiningnan ang aking mga kukong kapapalinis lang, I chose to paint my nails with the color white for the purity.
Even though alam ko naman na napakasama ko. Iyon ang aking natipuhan eh. Ang ganda lang. I saw Dabbie's nail polish yesterday, a batch mate, hindi pa dapat ako magpapalagay pero na-hype ako nung nakita ko yung kanya.
Agad na nawala ang aking isipan sa aking kuko nang marinig ang marahas na pagkakatapon ng bola na muntikan ng tumama sa akin.
Nanlaki ang aking mata sa gulat, agad na napaling ang aking mata kay Ashton na may gulat sa mukha. Agad na nawala ang kanyang ekspresyon nang makitang nasa kanya ang aking mata.
"W-Well galit ka ba?" Tanong ko.
Hindi niya pa din ako pinapansin. Ano ba naman kasi ang aking ginawa na hindi niya nagustuhan? Hindi ko naman siya inaano. Ni hindi ko siya sinaktan o pinagsalitaan ng masama. Noong unang araw nga ng pagkikita nami'y binati ko pa siya.
I could feel my goosebumps standing when I noticed his form coming my way. With brows knitted and a hard expression, he kept walking.
Sasaktan nya ba ako? Should I stand up and leave? Tatakas na ba ako? Takot ang nanguna sa akin. Galit na galit ang kanyang mukha na hindi maintindihan, namumula na siya sa sobrang tindi ng emosyong nararamdaman. Lumunok ako.
Napapikit ako nang malapit na siya sa akin. Shit!
Ilang minuto ang nakalipas ay walang nangyari. Binasa ko ang aking labi at dahan dahang iminulat ang aking kaliwang mata, sinisilip siya. Agad akong napamulat nang makita siyang nainom. Huminga ako ng malalim nang makita iyon.
"Ano ba kasing nangyari? You know, you can talk to me." I said.
Nang napaling ang aking mata sa labas, it's already dark. Kumuyom ang aking kamao.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang tumunog ang aking cellphone, sinyales na may bagong notification. Napansin kong kumunot lalo ang noo ni Ashton habang nainom. Kinuha ko ang aking cellphone.
Manong Thomas:
Ma'am, okay lang po ba kayo? Gumagabi na po.Zsnae Kachine:
Ayos lang po ako Manong, konti na lang po.Nang maitago ko ang aking cellphone ay agad na bumalik ang aking mata kay Ashton na nagpupunas ng pawis sa kanyang braso.
Lumunok ako nang mapansin ang ganda niyang lalaki. The long lashes is so hard to ignore and that lips, oh damn! It looks kissable! Pumikit ako ng madiin dahil sa sariling naiisip.
"H-Hindi ka pa ba uuwi?" Pangangausap sa kanya.
Tiningala ko siya dahil sa taas niya, ngayong nakaupo ako'y lalo pa siyang tumaas. Patuloy niya akong inignora, I pouted.
Huminga ako ng malalim at alam kong rinig na rinig iyon sa buong gym. Patuloy ko pa din siyang pinanood bago naisip na baka masisante pa si Manong Thomas dahil sa kahibangan ko.
"Ah Ashton, uuwi na ako. Kanina pa kasing nagaantay si Manong Thomas, baka sisantihin siya ni Daddy kung hindi pa ako uuwi ngayon. Gabi na rin kasi." Paliwanag ko habang lumalakad paalis doon.
Hindi manlang niya ako sinipat ng tingin. Siguro'y kailangan ko ng masanay sa ganito, ang makita naman siya ay ayos na sa akin eh. Maswerte pa nga ako't nakakalapit ako sa aking .....crush.
Atsaka, meroon siyang nobya. Dapat nga'y hindi ko siya nilalapitan ng ganito. Pero mukha namang ayos lang kay Rain kaya okay lang talaga sa akin, as if I will care kung pagbawalan niya akong lumapit! Hindi niya ako mapipigilan.
"Bye, Ashton." Ani ko't nakatigil sa bukana ng gymnasium.
Umaasa na baka isang goodbye manlang ay papaunlakan niya ang aking hiling. Sa buong oras na andoon akong kasama niya'y hindi manlang niya ako binato ng tugon. Tumango ako nang mapagtantong hindi niya ako sasagutin.
"Sige Ashton. Umuwi ka na rin at gabi na. Huwag kang magpapatuyo ng pawis, atsaka ayusin nyo ang problema nyo ni Rain." Ngumiti ako sa sarili.
That was so bitter!
"I'm not lying when I said your relationship is healthy, I saw it with my own eyes."
Tsk, magbe-break din kayo.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019