𝙱𝚒𝚝𝚝𝚎𝚛 𝚠𝚊𝚝𝚎𝚛
Magaan akong nakaupo sa aking napiling pwesto. Mabuti na lamang din at dito ko napili, kitang kita ko ang lahat ng nangyayari sa loob ng court at malapit na rin ako sa mga tao.
Habang pinapanood si Ashton maglaro, ay napansin ko ang bote ng tubig na kanina kong hawak. Huminga ako ng malalim at biglang nalungkot.
Bakit ba nalimutan ko siyang painumin? Kukuhanin ko na sana ang bote nang may biglang humanggit dito.
Naalerma ako at agad na tiningnan kung sino ang kumuha ng tubig na para kay Ashton.
"Akin na lang.." Ani noong manlalaro at binuksan ang bote saka ito ininom.
Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman, hindi na ako nakaapila pa. Ang lalaking manlalaro ay ang bumati sa akin kanina.
"Sayo ba ito?" Tanong niya nang hindi ako sumagot at tiningnan lamang siya.
"Uh.. sige ayos lang." Ngumiti ako sa kanya at pinili na lamang tingnan si Ashton.
Naalerma ako nang mahagip na nakatingin siya sa aking direksyon. Kunot ang makakapal niyang kilay. Binasa ko ang aking labi at napatingin sa lalaking nasa aking harapan.
"Boyfriend?" Napatingin akong muli sa lalaki nang magsalita ulit siya.
Ramdam ko ang paginit ng aking mukha nang marinig ang kanyang sinabi. Mukha ba?
"A-Ah hindi pa-"
"Hindi pa? Nanliligaw?" Nanlaki ang aking mata.
Kachine! Sobrang halata naman! Hindi ka niya nililigawan, pwede ba? Huwag mong pilit na sabihin iyon sa iba. Sasabihin nila'y ambisyosa ka.
Pero hindi ko naman sinasabi iyon ah? I pouted to myself and looked down. Ano ba iyan...
"Is that a yes?" Nanumbalik sa mundo ang aking kaluluwa nang marinig siyang muli.
"W-Well it's actually-"
"Kitty?" Mas lalong nanlaki ang aking mata at napalunok ako nang marinig si Ashton sa likuran noong lalaki.
Para na siguro akong kamatis ngayon!
"Ta-Tapos na kayo?" Lumunok ako para matigil ang sarili sa pagutal-utal.
Ano bang meron ngayon at talagang utal na utal ako? Kabado kong tiningnan si Ashton sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako pabalik sa lalaki.
"Pre, tapos na?" Pangangausap noong lalaki kay Ash pero umiling lamang sya dito.
Namula akong lalo sa sariling naisip. Kachine! Bakit nya naman iyon mararamdaman? Gusto ka ba niya? Bakit siya magseselos?
Pero diba't inamin na niya?
Ang lahat lahat? Na kayo nga talaga noon? Ramdam na ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib. Pawis ay namumuo sa buong katawan.
Talaga ba?
Kinagat ko ang aking labi para ibalik ang sarili sa mundo. Napansin kong umalis na ang lalaki kanina at hindi ko alam kung paano siya napaalis ni Ashton.
Tumitig ako kay Ashton na kunot pa rin ang noo hanggang ngayon.
"Sino iyon?" Tanong ko sa kanya.
Inis niyang hinubad ang kanyang basang jersey. Napansin kong siya pa lamang ang nagbabalak umuwi at ang lahat at nageensayo pa.
Napalunok ako sa hindi ko na malamang bilang dahil sa sobrang pagkamangha. Anong klaseng katawan meron siya?
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napatitig sa basa basa niyang pangangatawan.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019