Pahina 17

43 7 0
                                    

𝙳𝚎𝚏𝚒𝚗𝚒𝚝𝚎𝚕𝚢 𝚓𝚎𝚊𝚕𝚘𝚞𝚜

"Nasisiraan ka na ba? Ano bang pinagsasasabi mo? Are you hearing yourself Kachine? Hahayaan mo na lang na laruanin ka ng lalaking iyon?"

Kahit na galit ang boses ni Ashton ay hindi niya pa rin hinayaan na marinig ng ibang tao ang aming usapan. Some people would stare and whisper. Wala na akong pakealam.

"Magkaibigan kami Ashton, ano bang pumapasok sa kukote mo?" Inis kong sambit at inalis ang kanyang mahigpit na hawak sa akin.

Hinimas ko ang pantal na bakas ng kanyang kamay sa aking braso. Talagang naging ganoon kahigpit ang kanyang hawak?

"Wala akong pake. I want him away from you." Kunot na kunot ang noo ni Ashton at nagiwas sa akin ng tingin.

Nang makapasok ang isang ideya sa aking utak ay agad akong ngumiti. Tumitig ako sa galit niyang ekspresyon. Bakit naman galit na galit siyang ganito?

"Selos ka ba?"

Nawala ang pagkunot ng noo niya nang marinig ang aking mga sinabi. Mabilis itong napaltan ng isang blangkong ekspresyon. And now he's back to his old job.

"Sabi na't selos ka nga!" Para akong nanalo sa lotto nang makatawa habang turo turo ang mukha ni Ashton na pulang pula na.

"Why would I be?" Sabi niya.

Hah!

Tinapik niya ang aking kamay at tatalikod na sana sa akin pero natigil iyon nang hawakan ko ang kanyang braso para siya'y pigilan.

"Kaya nga, bakit nga ba?" Nanununtya ang aking tono. Tiyak na hindi niya magugustuhan ang paraan ng aking pagsasalita.

"Stop it, Kachine." Sabi niya't kinakalas ang kamay ko sa braso niya pero hinigpitan ko pa.

"But you started this. Nananahimik ako doon sa may bench then all of a sudden ay hihigitin mo ako na para akong laruan mo lang, hindi ba ikaw ang naglalaro?" May tapang kong sabi.

Ngayon ay tatapang tapang na naman ako pagkatapos ay hihingi na naman ako ng paumanhin at itataboy na naman niya ako. What?!

Naloloka na ako sa mundong to!

Pero siya ang mali sa pagkakataong ito eh! I pouted and glared at him. I made sure to do it cutely. Hmph... I'm cute though.

"I'm not a player Kachine, that's the least thing that I do." Mahina niyang sabi't pilit talagang kumakawala sa akin.

Though I'm smaller, I managed to grip his forearm with my both hands so he could stay.

"Tama na, wala lang ang buo mong pwersa kung gagamitin ko ang buo kong lakas." Paliwanag niya't kinakalas ng dahan dahan ang aking mga daliri.

Parang kinikiliti ang aking mga daliri dahil sa pagkakaroon nila ng kontak sa mga daliri ni Ashton. His warmth is so familiar yet so unknown.

"So okay lang sayo kung maging kami ni Tim?" Tanong ko't nakangiti sa kanya.

Kumunot muli ang kanyang mukha at kita ko kung paano namula ang kanyang tenga.

"Do whatever you want while I do my own things." Banggit niya.

Kumulo ang aking dugo nang marinig ang my own things niya. At matapos niya akong makuha kuha mula kay Tim ay sasabihin nya sa akin ito ngayon?

"Siraulo ka, matapos mo akong manakaw nakaw kay Tim. We're having fun!"

"Masaya kang binobosohan ka ng lalaking iyon?"

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon