𝚆𝚎𝚒𝚛𝚍
"He acted weird yesterday though..." Sabi ko't inayos ang facial cream na aking nilalagay sa mukha.
Bukas ang pinto ng aking CR sa loob ng aking kwarto para marinig nina Jam ang aking mala nobelang kwento tungkol sa nangyari kahapon lamang.
It's so damn fresh in my mind kaya naman habang kinukwento ko kina Lynn ay sariwang sariwa pa at akala mo'y nangyari lamang kanina.
"Paanong weird?" Si Chezca at inayos ayos pa ang lagay ng collection ko ng mga albums ng iba't ibang mga artista.
"Hey! Stop touching my things!" Saway ko.
Umirap lang ito sa akin at nagpatuloy pa rin habang sina Lynn naman at Jam ay pareho lamang gulo sa aking kababalitang pangyayari.
We're having a great time here in our house, Mom invited them for dinner kaya naisip na lang din nila na mag stay dito, overnight.
"Well?" Sabi ko nang makalabas sa aking CR matapos isara iyon.
Gusto kong malaman ang kanilang opinyon. Kaya pilit ko silang pinagsasalita.
Si Jam na nakahiga sa aking kama at kumportableng kumportable'y nag angat ng kilay. Si Lynn naman na nasa harapan ng salamin ay tinitigan ang kanyang sarili habang nakaupo ng maayos, tinitingnan ang mga bago kong make-up na binili.
"Paano yung weird, Kachine?" Tanong pa rin ni Chezca sa akin.
Inirapan ko naman siya.
"Seryoso ako dito, Amy!" Tawag ko sa kanyang second name na paboritong paborito niya.
"Stop calling me with that name! Atsaka, seryoso din ako!" Irap niya pabalik sa akin.
"Paano nga yung weird?" Natatawa na si Lynn sa patuloy pa din na pagtatanong ni Chezca.
"Seryoso nga siya, Zsnae. Hindi mo pa naman nasasabi ang ginawa niya, kung bakit mo ba nasabing weird nga ang lalaking iyon." Si Jam.
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang towel na aking ginamit pamunas ng aking mukha. Lumapit ako kay Jam at tumabi sa kanya sa kama.
"Sabi niya sa akin na lumayo na daw ako dahil lalo lang daw siyang nagagalit sa akin." Sabi ko at kinuha si Koji mula kay Jam.
Matapos ang ilang segundo ay hindi na ata napigilan ni Chezca at natawa na siya. Kumunot naman ang aking noo dahil doon sa kanyang ginawa.
"Sadya namang ayaw ni Ashton sa iyo ah? Magagalit talaga iyon dahil patuloy ka pa ding nadikit sa kanya." Sabi ni Lynn at tin-ry ang aking matte lipstick.
Napatingin kaming lahat sa kanya at tumango naman sa kanyang sinabi si Jam. Natawa pa din hanggang ngayon si Chezca. I lazily rolled my eyes at her.
"That's not it, Chezca. Tsk!" Niyakap ko si Koji ng mahigpit.
"He kept saying I will never understand him." Bulong ko.
Nagtinginan silang lahat at parang naguusap gamit ang kanilang mata. Mataman ko silang tinitigan at nagobserba.
"Iiwasan mo na ang lalaking iyon mula ngayon." Tamayo si Lynn mula sa upuan at pinuntahan ang aking mga baby pictures na nakasabit sa pader.
"Akala ko ba, okay na?" I pouted.
"Hindi ba sabi mo'y nasakit lang ang ulo mo sa lalaking iyan?" Sabi ni Chezca, ngayo'y medyo seryoso na ang mukha.
Yes, my head ache like literal. Pero nalipas naman at nalalagpasan ko naman. I know I'm very fragile at medyo nalilimutan ko na ang laging bilin ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019