Pagtatapos

51 4 0
                                    

𝙻𝚘𝚗𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚏𝚘𝚛 𝚑𝚎𝚛

Kunot na kunot ang aking noo nang mapadaan ang aking isip kay Kachine. Marami na ang nakalipas ay siya pa rin ang laman ng aking pang araw araw na isipin.

Walang lugar ang pagkalimot sa babaeng nagpaikot sa mundo kong gasumot.

Malalim ang kanyang mga mata. Ang lantik ng kanyang pilik ang magdadala sa iyo sa palasyo. Mahaba, malulusog ang kanyang makinang na itim na buhok.

Ang inosente niyang mukha ang nagudyok sa aking batang sarili para lapitan ang batang takot sa mundo.

Marahas kong ininom ang bote ng tubig habang pinapanood ang aking mga kasapi na magensayo sa mga huling oras bago ang laro.

Halos isang buwan na ako dito sa pinapasukan ni Kachine ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Ang gumasumot sa maliligaya kong araw ay ang aksidenteng hinding hindi ko malilimutan. Everything happened before my eyes.

Kung paano siya inatake sa puso. Lahat ay nagtataka ng mga oras na iyon kung bakit siya naheart attack sa kanyang edad. Doon napagalaman ng lahat na ito'y dumadaloy sa kanyang dugo, ito'y kanyang namana.

At sa mga oras na iyon, doon tuluyang nawala ang kanyang mga memorya.

Ako, si Dalila, at si Gia ay napilitang lumayo at magpanggap na wala lang ang lahat. Doon nanakaw ang aking sampung taong pamumuhay sa mundo. Iyon ang napiling desisyon ni Tito at Tita.

Nirespeto ko ang kanilang desisyon pero hindi kalauna'y naging dahilan ng pagliyab ng aking galit.

Galit, sobrang tinding galit. Hindi ko akalaing magagalit ako ng sobra sobra. Nakadagdag pa sa lahat ang kanyang paguugaling sing lagkit ng pusa.

Hindi rin nakatulong ang isang katotohanang wasak na wasak akong magisa habang masaya niyang pinagpapatuloy ang kanyang buhay.

Walang ideya sa kahapon at nilalasap ang ngayon.

Nanalo kami sa aming laban at hindi ko akalaing makikita ko siya bilang premyo. Paglabas na paglabas ko ay bumungad siya sa akin.

Pero sa halip na matuwa...

Napagtanto ko ang aking galit nang una ko siyang masilayan matapos ang halos apat taon lamang.

Sa ganoong kaunting oras ng aming pagkakalayo'y marami na agad ang nagbago sa kanya.

Simula sa kanyang kilos at galaw hanggang sa kanyang anyo. Halos hindi ako makatulog sa gabi sa kakaisip sa pagbabago ng kanyang katawan.

Pinili ko siyang iwasan sa pagaakalang hahayaan niya na lamang ako. Pinili kong mabuhay ng wala siya, pinilit ko pero heto siya't nanggugulo.

Mabilis ang daloy ng lahat. Masyado akong naaaliw sa kanyang kakulitan kahit pa siya'y aking iniignora.

Natutuwa ako sa tuwing siya'y malulungkot dahil sa pagkabigo. Laging sumasagi sa aking isipan kung paano siya ngumunguso.

Oh how I wish I could kiss that lips.

"Ash? It's been a while!" Habang inaayos ang aking mga gamit ay narinig ko ang boses ni Gia.

Agad akong napangiti sa oras na siya'y aking nakita. Marami kaming napagsamahan na hindi ko na maalala ang ilan.

Niyakap niya ako at ganoon rin ako. Ang higpit ng aming yakap ang nagsabi kung gaano katagal kaming hindi nagkita. Marami kaming napagusapan ng araw na iyon at isa na doon si Dalila at Kachine.

Kinabukasan ng araw na iyon, nakita ko si Lila at sa pwesto ring iyon. Nagaayos siya ng kanyang gamit at galak na galak nang ako'y makita.

Sinabi ko sa kanya ang lahat ng bagay na gusto kong mangyari. Gusto kong sabihin kay Kachine ang lahat pero sobra pa akong nagiinit.

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon