𝙽𝚘𝚝 𝚛𝚎𝚕𝚊𝚝𝚎𝚍
Mabilis kong iniwas ang aking mata sa direksyong iyon.
Pinikit ko ang aking mata at pilit na iniwas ang aking utak mula doon. Matagal nang nawala sa aking buhay si Ashton kaya't hindi na ako magiging apektado.
It's been months and everything is very new to me.
"Here's your wish, Ma'am." Sabay patong sa aking harapan ng beer.
Ngumiti ako't mabilis iyong ininom saka mabilis na kumuha ng pera't binayaran ang inumin kasama ang tip.
Huminga ako ng malalim. Hindi ako apektado. I'm not affected, and I will never be.
"Hi Kachine..." Napatingin agad ako sa aking tabihan nang marinig ang boses na pamilyar na pamilyar sa akin.
Lumunok ako't pinigil ang sariling sumabog na lamang bigla bigla.
"Hello..."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napa-irap na. Kaya nga kanina'y nagmadali na ako sa pagbababa ng aking bayad ay dahil gusto ko na sanang lisanin ang bar na ito, mapupurnada pa ata.
Hahawakan niya sana ang aking braso.
Mabilis kong iniwas sa kanyang hawak ang aking balat. Hindi ko alam kung bakit sobrang bait sa akin ng Rain na ito, ni wala naman akong pinainom na kung ano sa kanya.
Itinuwid niya ang kanyang pagkakaupo.
"Hanggang dito ba naman, Kachine?" Mataray niyang tono.
Halos matawa na ako sa kanyang ina-asta. Huwag nga siyang magpanggap. Hindi ako nasindak sa kanyang taray, nasindak ako sa kanyang lakas ng loob.
"I'm not following you, or him." Marahan kong sabi't walang pakealam sa kanya.
"At saka, hindi bagay sayo Rain. Knock it off." I chuckled and stared at her boredly.
My life's been pretty good after being away from the two of them. In just a snap, mas lumigaya ako.
"Hindi kayo bagay kaya hindi nag-work." Aniya't sinimsim ang dala dala niyang wine.
Nakakatawa. Bakit niya sinasabi sa akin ito ngayon? Dahil ba sa sobrang inggit dahil mas matalino ako sa kanya? What?
Hindi ko alam kung anong pwedeng dahilan niya kasi... eto lang ako oh. Maganda.
"What do you mean, Rain?" Nilaro ko ang aking buhok at interesado sa kanyang gustong sabihin.
Gusto ko ito eh. Yung galit na galit habang wala naman akong ginagawa. Nakangiti ako sa kanya habang sinasabi ito.
"I mean you and Ashton." Omg, that's so low of her.
Sumilay lalo ang aking ngiti. Bakit ba sya naiinggit sa akin? Hindi ko naman sya inaano? Sabagay.. kapag inggit ang isang tao, kahit wala ka namang ginagawa'y galit na galit.
"Sana naging kasing ganda mo ako, ano?" Tanong ko sa kanya na kinasindak nya.
"Why would I be envious of you?" Aniya.
"Hindi ko sinabi iyan..." Tumayo ako sa aking kinauupuan bilang paghahanda sa aking pagalis.
"Hindi ako inggit sayo, Kachine kung iyon ang iniisip mo. Dahil lahat na ng pwedeng maging sayo ay meron ako." Aniya't idiniin ang hawak sa aking braso.
Pumalo ang aking mata sa magisang si Ashton na kausap ang isang babaeng bartender. Ngumisi lang ako kay Rain.
Napalunok ako nang makitang halos maghalikan na ata sila sa sobrang lapit noong babae kay Ashton habang may ibinubulong ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019