Pahina 12

37 10 16
                                    

𝚁𝚎𝚙𝚕𝚊𝚌𝚎𝚖𝚎𝚗𝚝

Kanina pa akong curious sa kung ano ang kanilang pinagusapan. I mean, kung sino ang kanilang pinaguusapan. I am curious who's that her he's talking about.

I didn't knew na magkakilala pala sila noong Dalila na iyon. Selos na selos na naman agad ako!

"Ano? Bakit bad mood ka? Akala ko ba'y okay na?" Oo nga't okay na pero hindi pa rin.

Talagang hinding hindi! That girl is making my mission way harder! She's so damn irritating! Pinilit kong takluban ang naiipong galit sa pamamagitan ng mariing pagpikit ng aking mata.

"O-Okay na naman eh."

"Ano ba talaga? Hindi na talaga kami matahimik sayo. Wala ng lusutan." Pagod na sabi ni Jam na kadarating lang din naman kahapon.

"Let me handle it myself girls."

"Kaya ayaw namin dyan eh. Ngayon tuloy ay napapasama ka na naman. We don't like that!" Sabat ni Chezca.

"Zsnae Eion daw." Naalerma ang aking sistema nang bigla na lamang. nabanggit ng aming guro ang aking pangalan.

Mabilis akong tumayo para mapuntahan ang kung sino mang naghahanap sa akin sa labas. Nagulat ako nang makita ko si Dabbie na nasa labas ng aming pintuan. Nagpakawala siya ng isang ngiti.

She looks nice... and fierce at the same time. Pero natitiyak ko naman na mabait siya.

"Hi Zsnae, I was asked to call you by your adviser. Kailangan ka raw sa gym." Mabilis pero mahinahon niyang sabi.

Binasa ko ang aking labi at tumango sa kanya habang nakangiti. Hindi na rin nagtagal ay umalis na rin siya agad. I gulped, bakit naman nila ako kakailanganin? I sighed and rolled my eyes.

"Ma'am, kailangan daw po ako sa gym." Paalam ko at tumango naman iyong matandang Ginang.

The time I arrived, lumingas ang aking mata nang makita si Ashton na kausap rin ang kanilang tagapayo. What's the sudden fuzz? Kung ano man ito, interesado ako!

Masaya akong pumasok sa loob at sinalubong ang aking tagapayo.

"Ma'am, you need me?" Nakangiti kong tanong. She nodded and looked at Ashton and their adviser's way.

Napaling na rin doon ang aking mata, kaya naman nang maglakad siya doon ay sumunod na rin ako.

"Ikaw ang napili naming magre-represent sa year level nyo. Payag ka ba?" She's a bit harsh. I don't know why.

Lumunok ako, guni guni ko lang ba iyon o sadyang talagang harsh siya sa akin? Napunta ang mata ko kina Ashton nang makarating na kami sa kanila.

Sir Harvey, adviser nila, smiled at me. I did the same, at least ay alam kong hindi naman sila galit sa akin. Why would they be? Anyway?

"No? Your partner is Ashton if you'll agree." Alu sa akin ni Ma'am na para bang alam niya na iyon ang makapagpapapayag sa akin.

Alam ba ng lahat ang mga pinaggagagawa ko? Pfft, stop thinking about it Kachine! Hindi nila malalaman iyon dahil- what if they knew?! Shit!

I started panicking.

"Zsnae? Are you okay?" Naangat ang aking mata sa kanilang tatlo na kaswal na nakatingin sa akin.

I gulped when my eyes met Ashton's bored eyes. Holy cow, he's not even excited na nakita niya ako ulit after a week?! He's so unbelievable!

"Yes, uhm, opo okay lang ako." Ngumiti ako sa kanila to assure my state.

"So Zsnae, this is Ashton-"

"Kilala ko na po sya." Sabi ko kay Sir Harvey na pinakikilala pa si Ashton sa akin.

"Friends sila Sir." Sabi naman ng aking adviser.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Ashton sa sinabi ni Ma'am pero sa aking tuwa'y wala naman siyang apila. Siguro naman ibig sabihin na noon ay friends na nga talaga kami? Ano?!

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking sarili na mangiti. Finally, hindi niya ako tinanggi.

"So? This is settled?" Tanong ni Ma'am sa aming tatlo.

Magsasalita na sana si Sir Harvey nang bigla na lamang may sumabat na isang istudyante mula sa labas ng gym. He's smiling.

"Ma'am! Sir! Pumayag na po si Rain!"

My eyes widen when I heard him. Anong ibig sabihin noon? Mabilis kong tiningnan si Ma'am na nakangiti. Now I get it.

Nakangiti si Ma'am at si Sir. Nalungkot ako ng bigla nang mapansin iyon. Nang tingnan ko si Ashton ay mataman niya akong tinitingnan.

Nagtindigan naman ang aking mga balahibo. Ano ba ang tumatakbo sa kanyang isipan? Hiya ang aking nadama, siguro ay hinuhusgahan na niya ako.

Pakiramdam ko'y sobrang liit ko sa kanyang paningin. Stop thinking, huwag ka nang magisip Kachine.

"Then? It's settled, si Rain at Ashton ang ating pambato." Sabi ni Ma'am na naging dahilan ng pagngisi ni Sir lalo.

I looked down.

So I'm the second choice. Noong hindi pumayag si Rain ay ako na ang panlaban at ngayong pwede na'y siya na ulit?

"Zsnae? Thank you for your time. Pwede ka ng bumalik sa iyong room." And with that, they chose Rain over me like how Ashton chose Rain over me.

I am thrown away like I'm some trash, that's how Ashton treat me but still I can't stop myself. Sya eh, sya lang.

"Mabuti na lang talaga at pumayag si Mommy, sabi nya kasi baka lalo lang akong mapagod dahil nga sasali din ako sa pageant this November. Baka daw hindi ko na kayanin, pero sabi ko naman ay konting rampa lang ito kaya pumayag na din siya." Kwento ni Rain sa aming dalawa ni Ashton habang sinasabayan ko na sila ulit ngayon kumain.

"Tsaka, gusto ko ring makapartner si Ash." Dinagil pa ni Rain ang balikat ni Ashton.

Siya lang kanina pa ang ganadong ganadong magsalita dahil ako, wala talaga akong gana. Kinuwento ko kina Chezca ang nangyari kanina noong recess at hindi nila nagustuhan iyon.

They told me na wala silang respeto sa akin. Harap harapan talaga nila sa akin sinabing second choice lang ako, na hindi naman talaga ako ang gusto nila para sa posisyon na iyon.

"Well, ayaw ko rin naman talagang rumampa. It's not my thing." Pagsisinungaling ko.

Ngumiwi si Rain at tumango na lang rin sa aking sinabi. I hate being on stage. I love people's attention pero pampam lang ang ginagawa ko. Tsk!

"Ikaw, Ash gusto mo ba iyon?" Tanong ko sa kanya.

He suddenly stopped eating for a second and continued again. I was ignored once again, napakurap kurap ako. Then all of a sudden, I grew tired.

Ako lang ba ang nakaisip o ngayon ko lang naisip?

"Uhm, can I ask what happened last week? Sorry wala ako, I couldn't join you both kase-"

"It's all better without you."

Huminga ako ng malalim sa sinabi ni Ashton. Iyan, dyan siya magaling eh. Hindi siya sasagot sa matino kong tanong tapos sasabat siya ng ganito para lang saktan ako. He wanted me to vanish that bad?

Napansin ko ang pagkagat ni Rain sa kanyang labi. I can sense the pity and guilt in her eyes. Bakit guilt? Guilty ba siya dahil kaya ganito sa akin si Ashton ay sila na nga?

Pero bakit naman ganito kabait si Rain sa akin if they're really together? Kung ako ang girlfriend ni Ashton at may aali-aligid na babae sa kanya'y agad kong paaalisin iyon.

Despite all of that, I smiled.

"Well, I know you want me away Ash. Pero I'm really sorry, because the time I laid my eyes on you I knew... I have to have you."

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon