𝙻𝚒𝚕 𝚟𝚒𝚜𝚒𝚝
"Bakit nandito ka?" Tanong sa akin ni Ashton at inagaw sa akin ang kanyang bag.
Mabilis na ngumiti sa aking gawi si Rain na nasa malayo at kumaway pa. Makikita kong may kinakausap siya't busy na busy silang lahat. Nang maalis na sa akin ang tingin ni Rain ay napaling ang aking mata kay Ashton.
"Wala namang masama na nandito ako." Sabi ko at nanatiling nakaupo sa pinaglalagyan ng kanyang bag.
"May klase ka." Sabi niya't nilagay ang bag niya sa ibang upuan.
"Ayaw mo bang ako na lang ang magbantay ng bag mo?" Hindi niya pinansin ang aking sinabi at babalik na sana sa stage kung saan sila nageensayo.
"Break time nyo ah!" Tawag ko sa kanya kaya tumalikod siya para harapin ako.
"You look ugly today." He said making me roll my eyes.
Alam nya ba talaga kung kailan ako nagaayos? Napakagrabe nya rin naman lagi sa akin! Ang sabi nga kanina ni Tim ay maganda raw. Tapos ganito ang sasabihin niya sa akin?
"This lipstick is new just so you know." Turo ko sa aking labi at nanatiling nakaupo sa upuan.
"So what kung bago, hindi naman bagay." Mataman at walang laman niyang sabi.
Pero grabe, tagos na tagos sa akin.
"Sabi ni Tim bagay daw sa akin." Pagyayabang ko na may pagkalumo.
"Then go to him. Doon mo isiksik ang sarili mo, para siya na ang nahihirapan." He spat.
"Grabe sa part na nahihirapan ha." I said and stood up from the seat, kind of tired but happy that he's now talking to me.
"Where are you going?" Tanong niya't lumapit na sa akin.
Tiningnan ko siya at walang sinabi. I wanted to pee. Umiling lang ako at akmang aalis na pero hindi ko nagawa dahil hinawakan nya ang aking braso.
"Fine, I'm sorry." Sabi niya.
Hinarap niya ako sa kanya, dalawang kamay ay hawak ang aking mga braso. My breathing increases, my sick heart please stay stable.
Nagtagal ang aming titigan, hindi ako sumagot. Bakit ba kasi siya nagso-sorry?
"Hindi mo tatanggapin ang sorry ko?" Seryoso niyang tanong sa aming lagay.
I stared at him seriously, hindi ko alam ang aking gagawin. Sa aming lapit ay nangangatog na ang aking mga binti.
His eyes kept staring at mine kaya naman bumaba ang aking mata sa kanyang labi. Basang basa iyon at halatang halata na kababasa nya lang doon.
I gulped.
"Can I kiss you?" I asked making my eyes look up to his.
Humigpit ang kanyang sa aking mga braso. Kumunot ang kanyang noo sa akin at hindi ko naman napigilan ang mapangiti.
Ganito na ba ako ka walang hiya?
"You can't." Mahina niyang sabi at binitawan ako, making me hiss because of the pain.
"Bakit?" Antanga nung nagtanong.
"Seryoso ka ba sa tinatanong mo?" Sabi niya't hindi mawala ang tingin aa akin.
Bumaba ang aking mata sa sahig. Feeling ko nawawala na ang wiwi ko. Kailangan ko na talagang umihi.
"Oo, duh."
"Kasi ayaw ko? I don't want to kiss you here." Lumibot ang kanyang mata sa mga taong nasa paligid namin.
Hindi ako tanga, Ashton. Alam mo bang pabaliktad ako magisip at kung ano anong klase ng pagaasume ang kaya kong gawin?
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019