𝙿𝚎𝚊𝚌𝚎 𝚘𝚏𝚏𝚎𝚛𝚒𝚗𝚐
Oo alam ko naman.
Huminga ako ulit ng malalim at inilabas ang hangin na pumasok sa loob. Kagaya ng sinabi sa akin ni Tim kahapon ay kailangan kong kumalma.
Ngayon ko lang naisip kung gaano katanga ang aking pagkilos kahapon kaya naman andito ako ngayon sa gym dahil nagpapractice ang aming basketball team.
Dahil nga nanalo kami over the LYU ay kami ang magrerepresenta sa buong bayan namin. Kung maipapanalo nila ito'y marerepresenta nila ang buong Quezon City para sa nationals.
Nandito ako para magsorry dahil sa naging behavior ko kahapon.
Alam ko naman kahit ano pang iasta ko'y siya pa din ang mananalo. Kaya nga heto ako, talong talo na nakatitig sa bukana ng gymnasium.
Sa huli'y pumasok na rin ako sa loob ng gym habang hawak hawak ang isang katamtaman ang laki na box para sa isang peace offering ko kay Ash.
I made cookies for him.
Grr!! Ang bobo mo talaga Zsnae Eion! No wonder you're the most beautiful because you lack of intelligence.
Tangang tanga ka na sa lalaking iyan! I could hear some actress from some movie na sinisigawan ang anak nyang dalaga na antanga noong anak niya sa lalaking napili.
Nang makapasok ako sa loob ay agad na nagsitinginan ang iba sa akin. I smiled to Isaac and Kevin. Medyo kinakabahan ako sa totoo lang.
I could feel my knees silently shaking. Pero kahit pa ganoon ay tumuloy pa din ako sa nakatalikod na si Ashton. He's wiping his sweat.
Oh damn.
Lumunok ako, narating ko na. I cleared my throat para makuha ko ang kanyang atensyon.
"Ashton, I came to visit you." Sabi ko pero hindi pa din siya tumatalikod.
Ramdam ko ang titig ng iba sa akin, siguro'y gustong gustong makiusyoso samantalang ang iba naman ay nagpatuloy sa kanilang ginagawa.
Ngayong hindi niya ako nililingon ay kinulbit ko na siya.
"Ash, I just wanted to say sorry for what happened yesterday. I was so blunt. Meron kasi akong buwanang dalaw kaya mainit ang ulo ko." I reasoned out.
Actually hindi naman talaga ganoon ang dahilan ko eh. Talagang mainit at medyo may topak ako kahapon, kaya ganoon ang aking trato.
Nang tumalikod siya'y naramdaman ko ang pagliyok ng aking tiyan. I don't like the feeling pero ayos lang sa akin. Nagsitayuan ang aking mga balahibo.
Sanay na akong ganito ang nararamdaman sa tuwing si Ashton ang aking nakikita.
"Hindi normal ang menstruation mo?" Aniya't titig na titig sa akin.
Sa dami kong sinabi tungkol sa aking pagso-sorry ay talagang ang napansin pa niya'y ang bagay na iyon. That's a made up excuse, bullshit.
Napatingin siya sa kanyang orasan at ganon din ako. Sa halip na tingnan ang oras ay napansin ko ang date.
"Your menstruation is irregular?" Sambit niya at makahulugan akong tiningnan.
Regular ang menstruation ko.
Alam nya ba na made up lang ang bagay na iyon? How did he became this smart? That can't be!
Hindi ako makasagot sa kanyang mga sinasabi. I gulped.
"Pa-Patapos na naman." I mumbled.
"Hmm." Sagot niya't kinuha ang tuyong jersey sa loob ng kanyang bag.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019