𝚃𝚘𝚡𝚒𝚌
Natuwa ako nang malaman na may game daw sina Ashton at ang aking mga kaklase. Laban ng basketball by section, in short.
Sobra akong natuwa dahil sa kung anong naisip ng MAPEH department ng aming school. Mabuti na lamang at basketball ang naisip nilang laro.
It's my favorite!
Kaya ngayon, ako lang ang tuwang tuwa na nagaantay sa first game habang naguusap naman silang tatlo at wala talagang pakealam sa mangyayari.
Napili kong upuan ang malapit sa bangko nina Ashton, sila ang first game at ang isang section ng batch namin. Pfft, I don't really care about them.
The whole wide gymnasium is filled with so many students dahil allowed na manood ang ibang levels at hindi lamang kami. Kagabi pa akong nagdadasal na sana manalo sina Ashton. Kahit alam kong magaling siya ay mas gusto ko paring ako'y panatag at nakatulong.
I smiled widely when I saw Ashton casually walking on the court walking towards me.
Scratch that, I mean, walking towards their seat.
"Zsnae andyan na ang crush mo!" Panggagalaw ni Chezca sa akin at tumawa kaming lahat sa kanyang biro.
May araw na ayaw nila, may araw na gusto. Jusko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila. Noong sinabi ko sa kanila ang nangyari noong kabilang araw, wala silang ibang ginawa kung hindi pagtawanan ang katangahang ginawa ko.
Hindi ko naman sila masisisi. Dapat talaga'y umakto ako ng normal at parang wala lamang iyon sa akin dahil nga isa lang iyong biro pero totoo. Totoong gusto ko nga siya. Mahal ko na siya. Tch.
"Uy! Bakit ka natatameme dyan?" Nabalik ang aking sistema nang batukan ako ng Jam.
Kumunot ang aking noo't hinimas ang aking ulo.
"Kachine, ipaliwanag mo kung bakit ulo ang binabatukan kung pwede namang yung batok?" Makahulugang tanong ni Chezca na naging sanhi ng amin muling pagtawa.
Tumayo ako para puntahan si Ashton sa kanyang inuupuan. Ngiti ay hindi mawawala sa labi. Sobra talaga ang excite na nararamdaman ko ngayon at hindi na ako makahintay pa, gusto ko na syang mapanood maglaro.
"Tubig oh." Aro ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya sa aking biglaang prisensya. Binasa ko ang aking labi't hinawakan ng maige ang bote ng tubig.
Lumunok ako nang titigan nya lamang ang bote at saka ipinagpatuloy ang pagaayos ng sintas ng kanyang sapatos. I can't help but to pout. Parang wala akong ibang naririnig na ingay, tanging sa kanya lamang ang mata.
"Pati ba naman ngayon LQ tayo? Ako nga dapat ang tampo eh. Hindi mo tinawanan ang joke ko!" Sabi ko nang makatunghay siya.
"Joke ba yun? Alam ko namang gusto mo ako." Natigil ako sa sinabi niya.
Huminga ako ng malalim para mapunan ng hangin ang naglo-loading kong utak. Masyado akong apektado, hindi dapat!
Seryosong seryoso ang kanyang mukha at wala namang pinagbago.
"H-Ha? Ang ganda ganda ko Ashton, no. Gusto ko lang ng kaibigan na.... katulad mo." Ngiti ko.
"May LQ ba ang friends?"
Pinilit kong palagutokin ang aking mga dalari dahil pakiramdam ko'y namamanhid na ito. Sobra sobra na ata ang pawis sa aking kamay, hindi ako pasmado!
"Well? Kung ganon, F-FQ." Hindi ko akalain na sobra pala akong mahihirapan kapag kinakausap nya na ako.
Tama ako, sa sobrang ganda ng boses niya'y talagang kakabahan ka nga. Sobrang nasisiyahan ako ngayon at hindi ko talaga masasabi kung gaano.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019