𝙰𝚠𝚊𝚢 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚢𝚘𝚞
"Zsnae Kachine! Dumating daw dito ang kaibigan mo?" Maagap na tanong ni Mommy nang ako'y makapasok sa loob ng aming pintuan.
Binigay ko sa aming kasambahay ang aking gamit at kunot noo siyang tiningnan. Hindi ko alam na malalaman niya ang patungkol doon pero handa na ako kung malalaman niya.
"Well, he's not my friend. Not anymore..." Natawa ako sa sarili kong sinabi.
Umangat ang kilay ni Mommy sa kanyang narinig. Hindi maganda ang kanyang ekspresyon. Hindi siya natutuwa. Luh?
"Oh? Iniisip ko ngang matutuwa kayo dahil ganoon ang nangyari sa amin eh. Bakit parang hindi kayo natutuwa sa nangya-"
"I like Ashton Bron." Sabi niya't ngiting tagumpay pa sa kanyang kinatatayuan.
Animo'y ito ang matagal na niyang iniim-im, kitang kita ko ang panunubig ng kanyang mata sa hindi ko malamang paraan.
"Ha? Ni hindi nyo pa nga nakikilala ang lalaking iyo'y ganiyan na kayo kung maka-asta?" Kinalas ko ang aking necktie habang ginagawa iyon.
Sumisilay ang aking galit dahil sa mga naaalalang pangyayari patungkol sa aking katangahan para sa lalaking iyon.
"Well he's Ashton, I've heard so much good about him." Ngiti ni Mommy at tumingin pa sa malayo na akala mo'y may malalim na iniisip.
"At kanino nyo naman narinig ang mga bagay na iyon?" Nagangat ako ng kilay. I'm not liking the way Mom liked Ash at this point.
"I knew him. Matagal na at napakabuting bata." Pumalakpak pa siya.
After that conversation with Mom, hindi pa rin nagbago ang aking pananaw. I'm still mad. Maybe because I just can't accept the fact na hindi nya nga talaga ako magugustuhan.
Days, months passed it's all the same. Ilang araw bago ang lahat, patuloy ang kanyang pakikipag-ayos sa akin samantalang wala naman talaga siyang ginawa. Ilang araw bago ang lahat, hindi niya ako tinitigilan hanggang sa naiinis na ako.
"Ashton, let's go. Hindi niya gustong nandito ka, mapapahiya ka lang. Tumigil ka na." Tawag sa kanya ni Rain. Mataman ko silang pinanood.
Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung alam nya na ang bagay na aking pinapasabi noon kay Ashton, pero wala na akong pakealam ngayon.
Nakatingin lang sina Jam at Lynn sa kanilang dalawa at walang ekspresyon, kung dati siguro ito'y alalang-alala sila dahil alam nilang meron pa akong pake doon. Pero ngayon na wala na, ay wala na rin sila.
Tumingin sa akin si Ashton na animo'y nagmamaka-awa na ito sa akin.
"I'm allowed, right?" Sabi ni Ashton sa akin pero tiningnan ko lang siya. Na parang kausap niya ang hangin.
"Ashton, I told you. Let's go! There's so much seats available for the both of us." Sabi ni Rain na hindi natingin sa akin, kunot sa noo'y halatang halata.
Sa huli'y nanalo si Rain. Sa ibang upuan sila naka-upo at umalis sila sa aming lamesa habang tingin na tingin sa akin si Ashton. I did the same but with the opposite expression.
I bet Rain's mad at me. I don't care.
Mabilis ang mga araw, at patuloy ang cycle na ganoon. Hanggang sa lumipas na nga ang buwan na hindi na niya ako kinukulit. The suitors increased at mas madami pa noong bago ko nakilala si Ash.
I ignored all of them. Even though Tim stayed with me and kept in touch ay madalas na lang din dahil hindi na ako nakakalabas ng madalas.
My life turned upside down. Parang nabuksan ko ang ganda ng buhay ko nang magsara ang aking ligaya kay Ashton. I decided to study kaya naman hindi ako nagsisisi sa aking pinili.
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019