Pahina 9

34 9 12
                                    

𝙲𝚑𝚒𝚜𝚖𝚒𝚜

Hindi pa nagsisimula nasigaw na agad siya. Umirap ako, napakapampam talaga neto. She's on her way to the bleachers, dumadaan sa gilid ng court at nasigaw na agad si Rain.

"Rain is so beautiful, right?"

"Oo, I heard sasali siya sa pageant this upcoming November. At ngayong September ay on diet na sya."

"Damn, that body is on diet? Paano na lang ako? Edi hindi na ako pasado?"

My jaw clenched when I heard soft murmurs behind me. Syempre hindi ka talaga pasado dahil you're so damn ugly! Umirap akong muli at tumingin kina Chezca.

They looked at Rain with a disgusted face. I mentally chuckled.

I know right. Hindi ba siya nahihiya na sigaw sya ng sigaw ay hindi pa naman nagsisimula? Nawawala tuloy ang pagmumukha niyang mahinhin.

"She'll scream the whole game?" Tanong sa akin ni Jam.

Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat. How would I know?

"Ew, I can't believe Ashton's smiling at her right now." Agad na napaling ang aking mata kay Ashton nang sabihin iyon ni Lynn.

With his sweating form, a ball in hand, ngiting ngiti si Ashton sa gawi ni Rain. Kitang kita mo sa kanyang ngiti na para bang masayang masaya siya na manonood ang babaeng iyon.

I groaned angrily. Bakit? Dahil ba gusto niya ng taga sigaw? Pwede akong sumigaw para sa kanya for the whole game and even after the game! Bakit kailangan talaga'y ngiting ngiti siya doon?

Nang maishoot ni Ashton ang bola ay agad siyang lumabas sa court papunta sa kinatatayuan ni Rain. May dala dala pa ata itong banner para sa lalaki.

Ugh! She's so damn irritating!

Nang makarating si Ashton kay Rain ay marahan at may sigla niyang kinuha ang tubig na nasa kamay nito. Agad na bumaba ang aking mata sa tubig na aking hawak. Malamig naman eto, anong problema't ayaw nyang tanggapin?

Tapos, hindi pa binibigay ni Rain sa kanya'y agad na tinanggap? Nakakainis!

Pinanood ni Rain ng nakangiti ang nainom na si Ashton. Binasa ko ang aking labi at pinilit ang sarili na huwag maiyak sa aking nakikita.

Bakit parang habang tumatagal ay parang nagre-realize ko kung gaano sila kasaya? Sila nga ba talaga?

Hindi nila tinanggi pero hindi rin nila inamin. Kaya lalo akong naiinis. Grr! Nakakainis talaga!

Nagusap pa sila ng kaunti, tumawa pa si Rain saka natawa si Ashton. I wonder what they're talking about! Kuyom ang aking kamao, hindi ko alam kung saan ko ibubuhos ang aking galit. Lumunok ako.

Hindi katagalan ay sila'y nagtungo sa mga bleachers. Napansin kong uupo rin si Rain malapit sa bangko ng mga manlalaro, ibig sabihin noo'y malapit siya sa amin kung magkakaari.

"Bagay na bagay sila, ano?"

"Oo, sana nga ay tuloy na ang kasalan. I can't wait din eh."

"Huy hindi pa naman! Wala pa sila sa legal age." Tawa nilang dalawang naguusap.

"Well, excited na kasi akong maging Ninang."

As if naman kukunin ka namin ni Ashton na Ninang ng magiging anak namin! Umirap ako.

Nawala naman doon ang aking isipan nang makitang sobrang lapit na nina Ashton sa amin. Tahip tahip ang sariling hininga, hindi ko na napigil ang sarili. Kinurot ko ang sarili.

"Oh! Zsnae! Dito kayo nakaupo?" Tanong ni Rain sa masiglang boses.

"Hindi, hindi." Pambabara na bulong ni Chezca sa aking tabihan.

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon