Pahina 27

32 6 0
                                    

𝙻𝚘𝚗𝚐 𝚝𝚒𝚖𝚎 𝚗𝚘 𝚜𝚎𝚎

Umirap ako sa aking nakita. Eh ano naman ngayon kung ganoon nga?

I left that message seen. Wala na akong pake sa kanya. Sa tagal ng aming huling paguusap, iyan ang bunggad niya sa akin?

Lea Jamie Cruzado:
Hoy! Wag mo akong i-seen.

Lea Jamie Cruzado:
(image attached)

Huminga ako ng malalim at umirap dahil sa picture na pinakita ni Jam. At talaga namang nakuha nya pang kunan ng picture ang nakita nya ha?

Kita sa picture ang image ni Ashton at Rain na magkausap.

Zsnae Eion:
Asan ka ba ngayon?

Nasaan sya ngayon at nakita nya ang dalawang iyan? Huwag mong sabihin na nasa Greece naman ang dalawang iyon? At talagang nililibot ang mundo bago ikasal?

Paano ni Jam nalaman na ikakasal na ang dalawa gayong nakita nya lang naman na naguusap? Apaka chismosa tsk tsk.

Lea Jamie Cruzado:
Dito kina Chez, inaya ako ni Chezca mag-beach.

Wow! At sila lang ang magbo-bonding!

Zsnae Eion:
At iniwan mo ang ganda ng Greece para lang kay Chezca?

Lea Jamie Cruzado:
Kakatayin daw ako e ;)

Nawala ang ngiti ko ng marealize ang isang bagay. Andito na rin sina Ash sa probinsya?

Kung nakita ni Jam sila at nasa probinsya na ngayon si Jam ay ibig sabihin...

"Baby I want you back right now..."

Nagulat ako nang marinig ang kantang paulit ulit na pinapapatutog ni Tim noong mga oras na kami'y magkasama.

Eh akala mo naman naging sila noong Shaleinne na iyon. Eh matagal na naman siyang busted ng babaeng yon.

Kumunot agad ang aking noo dahil naalala kong iyon rin ang naging theme song ko noon para kay Ashton dahil dyan kay Tim gayong hindi rin naman naging kami ni Ash.

"Bita!! Patayin ang radyo!!!" Sigaw ko mula sa aking kwarto.

Mabilis na namatay ang radyo. Lumabas ako ng kwarto at mabilis na bumababa sa hagdanan.

"Miss, may bisita po kayo-"

"Sino?"

Hindi pa nakakatapos ang katulong ay nakita ko na agad ang bisita. Sinalubong ko agad si Timothy ng isang yakap.

Hindi ko alam, pakiramdam ko'y nakakita ako ng kakampi.

"Namiss kita, Cadel." Bulong ko na naging sanhi ng pagtawa niya.

"Miss mo na agad ako?" Himas niya sa aking buhok at mas humigpit pa ang aking yakap.

Sa pagpunta ko sa Amerika'y ako lang rin magisa. Ngayon ay tuwing hapunan lamang kami ni Mommy nagkakasama. Hindi naman ako sanay ng magisa.

"Miss ko na lahat." Bitaw ko sa aming yakap.

"Asus, sabihin mo na na miss na miss mo lang talaga ako." Biro niya sa akin.

Inaya ko siyang maupo sa aming sofa at kumain ng hinanda ng mga kasambahay na miryenda.

"Mabuti pa sa bahay nyo dito, nakapasok ako. Eh doon sa mismong bahay ninyo'y hanggang gate lang ako." Aniya't ininom ang orange juice.

"Bakit ba andito ka?" Mahinahon kong tanong. Ngumiti siya.

"Pinakakaon ka sa akin ni Chezca." Aniya't kumuha ng tikoy.

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon