𝙵𝚒𝚜𝚑 𝚏𝚒𝚕𝚕𝚎𝚝
"Kachine, when will you stop?" I was asked by Chezca who's my friend ever since I got here in MU.
There's no stoping Chezca.
Iyon ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko na ginawa. Pinili ko na lamang tumahimik. Pilit kong inisip ng mabuti ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa.
Ashton was mine. Iyon ang pilit kong sinasabi sa lahat magmula ng makuha nito ang aking atensyon. There's something in him na wala ang iba at iyon ang dahilan kung bakit iniisip kong wala na nga talagang ibang makapapasok sa aking puso.
I was curious kaya noong dumungaw ako sa balon, I fell. Hard.
Harder than I expected actually, hindi lang bali ang aking natamo noong ako'y mahulog sa kanyang balon. I lost all my memories, I was stunned.
Stunned, stunned by his beauty.
The different aura whenever he plays basketball. Oh how I love to watch a basketball game. Alam na alam yan nina Chezca, Lynn, at Jam. Mahilig akong manood ng basketball games, pero syempre I would often watch how the ball is played by the hot players.
"You're dreaming, Chezca. Dapat ay hindi mo na iyan binanggit pa." Tumawa si Lynn sa sinabi ni Jam.
Umirap si Chezca dahil sa sinabi ni Jam. I know na hindi maganda ang ginagawa ko, I would never tell my parents that I'm doing this.
At first, ayaw nilang tatlo sa aking katangahan. Then hindi ko alam kung bakit all of a sudden, Jam and Lynn agreed with my terms. Am I happy? Of course, yes. Pero I was half wondering why they suddenly agreed.
Sila ang dalawang bitter na bitter tapos bigla na lamang ganito ang kanilang asta.
"I just hate that man's face!" Hirit ni Chezca at sumimsim sa kanyang frappé.
"Wow, big deal Chezca. Ashton's visual is so damn high na matatakot ang Rufus mo." Umirap si Chezca sa sinabi ni Lynn.
"Stop Lynn, Rufus is not hers."
"Stop talking about Rufus Coronel."
We've been hanging out a lot and studying lesser than the usual. That's how I am in school. Their studies are okay but mine's falling, I know that. Hindi man sila mag-aral I know they'll do great in our exams.
"Hindi ba tayo mag-aaral for the upcoming exam?" I asked.
Napatingin sila sa akin dahil all of sudden ay nagsalita ako. After all the fuzz ay nagsalita ako at talagang nanghihikayat pa akong mag-aral.
"I've had enough Kachine, school's killing me and Mom's supporting me on resting. Nung nagpaalam ako about this little hang out, natuwa siya at parang tinataboy pa ako. She told me that I should have my little fun dahil masyado na akong babad." Ani Lynn na parang nagagalit pa siya kay Tita Lorna. I don't think so.
"Well, that was fun. I wish my Mom's like Tita Lorna." Sabi ni Chezca at na naging dahilan ng pagtawa ni Lynn.
Natawa na lamang rin si Jam na patuloy ang pag-scroll sa kanyang Facebook account. She's been stalking this certain guy that I think I knew. I sipped on my coffee.
"I'm planning on visiting my grandparents in France, who wants to join me?" Agad niyang tinago ang kanyang phone nang mapansing nakatitig ako doon.
I licked my lips and decided to let that slip. She nervously stared at me but looked away eventually.
"Ako! I would love to see the Eiffel Tower!" Masayang sabi ni Chezca.
I looked at her in distaste. I would love to see the Eiffel Tower for the first time with my partner, with Ashton, in particular.
Huminga ako ng malalim at pilit na iniiba ang isip, pilit na inaalis ang utak mula kay Ashton. It's always him and I'm so sick of it.
Well, I might want to erase that.
Besides hindi ko maisip ang aking sarili na pinakakasalan ang ibang lalaki. It's been three months simula noong hindi ko si Ashton tigilan, at hanggang ngayon ay wala paring diperensya.
"Uhm Ashton, gusto mong fish fillet? Wala na kasi akong gana." Sabi ko't itinulak ang aking tray kay Ashton.
Ngayon kasi, I'm trying to be like him. To have a healthy lifestyle kaya isda ang nasa tray ko. Pero sa huli, hindi ko rin naman nagustuhan ang aking pagkain. I think makakapagdiet ako ng ayos kung laging ganito ang aking kakainin, hindi ako makakakain.
Kunot ang noo, umangat ang tingin sa akin ni Ashton. Hindi kagaya noon, nagugulat at kinakabahan ako sa tuwing papakitaan niya ako ng ganitong ekspresyon. Ngayon ay nakuha ko ng hindi na siya magiging mabait sa akin, tinanggap ko ng nasa dugo ko na ata iyon.
Ngumiti ako at tinikom ang aking bibig bago tinulak muli ang tray sa kanya. Gaya ng aming posisyon noong pinakauna, nasa unahan niya ako at nasa tabihan niya si Rain.
"Don't worry, hindi ko naman iyan nilandi. Ni hindi ko nga iyan nagalaw." Kumbinsi ko sa kanya.
Iyon naman ang totoo, hindi ko kasi talaga natipuhan ang lasa. Ngumibit ako nang maalala kung paano ang lasa nung fillet.
Nang makita ang kanyang kamay na kukunin ang aking nasabing fillet ay agad akong natuwa. Hindi mawala ang aking ngiti sa labi, ramdam na ramdam ko kung paano nagharumentado ang kabog ng aking puso.
Tusok tusok ang fillet sa kanyang tinidor, nagulat ako ng hindi iyon pumunta sa kanyang pinggan.
"Gusto mo?" Napakarahan ng kanyang boses.
Lumunok ako habang pinagmamasdan siyang mataman na nakatingin kay Rain. Napakalambot ng kanyang ekspresyon ang boses ay malaki pero marahan. Ramdam na ramdam mong meroon syang care para sa babae.
Ngumiti si Rain sa kanyang gawi at agad namang tumango. Walang pagaalinlangan na inilagay ni Ashton ang aking fillet kay Rain. Masaya itong kinain ni Rain.
Ang pagkabasag ng aking puso ay rinig na rinig. Madiin kong ipinikit ang aking mata, pinipigilan ang sarili na maluha dahil sa matinding rejection na natamo.
Pwede namang sabihin nya na lamang na ayaw niya't hindi iyong kailangan niya pang ipagduldulan sa akin na ni kailanma'y hinding hindi niya ako magugustuhan.
Binasa ko ang aking labi at inabot ang aking tubig na binili. Kahit nakapikit ay nagawa kong uminom roon.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay naramdaman ko ang pagliyok ng aking tiyan, hindi dahil sa kilig mula kay Ashton kung hindi dahil sa gutom. Shit!
"Ayos ka lang ba, Zsnae?" Tanong ni Rain habang nakatingin sa aking kamay na nakahawak sa aking tiyan.
Napaling naman ang tingin ni Ashton sa aking nang magsalita si Rain. Napatingin din siya sa aking kamay kaya agad kong inalis ang aking pagkakahawak.
"A-Ah wala ayos lang ako." Ngumiti ako sa kanila kahit hindi na sa akin nakatingin si Ashton.
Kahit na sanay na ako sa kanyang kasupladuhan sa akin, hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang hindi niya manlang ako matingnan. Na para bang talagang ako na ang pinakapangit sa lahat kaya hindi niya ako kailanman titingnan.
"Bakit ba kasi ayaw mong kumain? Bumili ka ulit." Pagpilit ni Rain sa akin.
Kitang kita mo ang kanyang pagaalala sa akin, hindi ko na talaga maitatanggi ang kanyang kabaitan. Sa aming pagsasama ng ilang buwan ay ni kailanman hindi niya ako ginawan o sinabihan ng masama.
Well, who would dare to talk harsh on me? I'm Zsnae Eion.
"Okay lang, hindi naman ako nagugutom." Pilit ko.
"Dali na. Bumili ka na ng bago doon, yung gusto mo na talaga ang bilhin mo." Hindi naman magpatalo si Rain sa akin.
Napatingin ako kay Ashton na wala manlang pakealam sa akin. Hindi niya manlang ako pipilitin dahil baka nagugutom na nga talaga ako?
Matapos kong ibigay sa kanya ang aking fillet ay ibibigay niya ulit sa iba? At harapan pa. Ganon niya kagustong saktan ang aking damdamin na animo'y napakalaki ng aking kasalanan sa kanya.
"Ayos lang talaga ako."
BINABASA MO ANG
Longing For You
RomanceI've loved him so dearly and all he did is disregard me, throw me away like I'm some trash. Don't forget this face, Ashton. I will be back and I will make you regret. Heart over Brain #1 ©2019