Pahina 10

35 9 9
                                    

𝚂𝚞𝚎 𝚖𝚎, 𝚒𝚍𝚌

Hindi ko alam kung bakit ako nandito muli pagkatapos noong nangyari noong una. Hindi pa rin ang nadala. Mariin akong pumikit habang nadidinig ang agos ng mga tubig, naliligo sila para magbanlaw dahil sa natapos na laro.

Hindi pa nakakalaro ang lahat kaya hindi pa alam kung anong baitang ang panalo, pero nangunguna sina Ashton.

Alam ko naman talaga na sila na ang mananalo, hindi na dapat binabanggit pa tsk.

Kagaya noong una'y nagsilabasan na rin ang iba. Ang iba'y nahihiya pang tumingin sa akin. Ang iba'y namumula ng inam habang bumabati sa akin. Hindi naman ako suplada kaya't nabati ako kahit hindi ko gaanong kilala at pamilyar lamang.

Sumilay ang ngiti sa aking labi nang lumabas si Ashton na aking kanina pang inaantay. Tumayo agad ako mula sa aking kinauupuan at sinalubong siya ng isang nakakasilaw na ngiti.

Nalungkot ako nang mapansin na agad na bumusangot ang kanyang mukha nang makita ako. Ano ba talaga ang problema nito sa akin?

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa kanya. Bumilis rin ang aking paghakbang nang bumilis ang kanyang paglalakad.

"Hoy!" Sigaw ko.

Dire-diretso at mabilis pa rin ang kanyang paglalakad. Umirap ako't inis siyang hinarap.

"Tinawag kita ah?! Bakit hindi ka tumigil? Tapos ang bilis mo pa maglakad!" Reklamo ko.

"Ako ba ang tinawag mo?" Tumingin siya sa akin at wala bahid ng interes akong sinagot.

"Aba, at sino pa ang tatawagin ko dito? May nakikita ka bang iba?" Iritado kong sabi at tinuro ang kapaligiran na tanging kami lang ang laman.

Atsaka kahit gaano pa naman karami ang tao sa paligid, siya lang naman ang makikita ko dahil sa kanya lang naman ako titingin at hind na sa iba pa.

Ayaw na ayaw niya talaga sa akin eh, ano? Nakakainis! Dapat nga talaga'y sumiksik na lang ako sa sobrang dami kong manliligaw dahil sila, tatanggapin nila ako with open arms!

Tiniklop ko ang aking mga braso at inangat ang kilay sa kanya. Walang gana siyang nakatitig sa akin. Nang mapansin ang kanyang pagtitig ay agad na dumapo sa akin ang hiya.

Grabe naman ang aking damdamin!

Hindi ko akalaing magiging ganito ako sa lalaking ito. Sobra naman ang aking pagkaapektado!

"How would I know?" Agad na umipon ang matinding galit sa aking looban.

"Tsk. Ayaw mo lang ako makita eh!" Matigas kong sabi.

"Buti alam mo na." Nang masabi niya iyon ay agad siyang kumawala sa akin.

Pinanood ko siyang maglakad palayo sa akin. I pouted. How could he say that to me face to face?! Naiinis talaga ako!

Tumakbo ako at hinarangan siyang muli para matigil siya sa kanyang paglalakad. Hindi ko lamang pinakikita pero nasaktan ako! Nasaktan ako sa sinabi niya! He's so insensitive. Napakamanhid, ano ba ang nakasakit dito at grabe na ang kanyang kawalanghiyaan!

"What now?" Bored na bored niyang sinabi. Buti naman at hindi siya galit?

"Bakit ang sama mo naman sa akin? Ang ganda ganda ko tapos-"

"You're ugly."

Naningkit pa lalo ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Did he just said I'm ugly?! Seryoso ba siya?

Binasa ko ang aking labi at huminga ng malalim dahil matinding iritasyon na nananalaytay sa aking kalamnan. Bakit niya ako sinasabihan ng ganito?! Napaka!

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon