Pahina 5

43 9 32
                                    

𝙰𝚋𝚊𝚗𝚍𝚘𝚗𝚎𝚍

"You're so beautiful last night Zsnae!" Bati sa akin ni Isaac noong break time namin.

"Thank you, Isaac. I didn't knew you're there." I smiled.

"Mom and Dad decided to leave earlier for something urgent so I didn't got the chance to greet you." Paliwanag nya.

I just smiled again and nodded before I went straight to Ashton and Rain's table. After sitting, I can see Ashton's eyes glued to Isaac's form. His brows are knitted. Napakurap-kurap ako.

I know Isaac's his teammate, gusto nya bang pati ang teammate nya'y ayaw rin sa akin? Lumunok ako't nagsimula ng kumain.

"Oh my gosh Zsnae! You're friends with Isaac? He's so great in basketball! Never ko pa iyong nakausap eh, I heard na magaling din sya kumanta-"

"Marunong lang, hindi magaling." Rain is stopped by Ashton.

My eyes drifted to him. Anong bang ikina-iinit ng ulo niya? Binasa ko ang aking labi't kinagat kagat ito. Rain rolled her eyes at him, playfully.

"Kahit na! Hindi nga ako marunong kumanta eh, that means magaling nga sya kumanta." Pakikipagtalo ni Rain.

I saw how Ashton's eyes burn in anger. Mabilis na tumayo si Ashton sa kanyang upuan at dinala ang hindi pa ubos na pagkain.

Ganoon ba siya ka selos na selos dahil humahanga si Rain kay Isaac? I gulped and looked at Rain. Umiling lang si Rain at natawa sa inasta ni Ashton.

I stood up and followed him leaving my food alone.

"Tubig." Sabi ni Ashton matapos maibigay ang bayad. Tumabi ako sa kanya.

"Are you okay, Ashton? Ang init ng ulo mo." Mataman ko siyang tinitigan.

Nang mapansin niya ang aking presensya'y mabilis na kumunot ang kanyang noo.

"Eto na po." Binigay kay Ashton ang tubig pero mabilis ko iyong hinagip.

Nanlaki ang mata ni Ashton. Nalipat sa akin ang kanyang tingin, galit na galit siya. I told you, I'm used to it. Kukunin na niya sana ang bote pero inilayo ko iyon sa kanya.

Never in my whole existence, did he ever talked to me. Iyong “thank you” na iyon pa lamang ang dalawang salitang nasabi niya sa akin. I can't believe it.

"You're testing my patience, Eion. Give it." Binasa ko ang aking labi nang marinig siyang magsalitang direkta para sa akin.

I can't help but to smile.

I held the bottle tighter. Kung alam ko lang na ito ang magiging dahilan ng pakikipag-usap niya sa akin ay matagal ko ng ginawa. Late na nang maramdaman kong nagsitayuan ang aking mga balahibo.

Nang makita niya ang ngiti sa aking labi'y marahas na niyang inagaw sa akin ang bote ng tubig, tumalikod, at mabilis na lumakad pabalik kay Rain.

"Oh you're back. Bakit hindi mo na tinapos ang pagkain? Sayang naman iyon." Sabi ni Rain kay Ashton. Hindi naman niya pinansin si Rain.

Nakita ako ni Rain sa likuran ni Ashton kaya agad siyang ngumiti.

"Bakit mo naman iniwan ang pagkain mo?" Umiling lang ako't umupo na pabalik sa aking upuan.

"Tapos ka na? Tara na." Nabalik ang tingin ko kay Ashton nang magsalita siya.

Napaling ang aking mata sa pagkain ni Rain, tapos na nga siya. Aapila pa sana si Rain pero sa tingin ni Ashton ay hindi siya mananalo, nakakapatay ito kung tumitig.

Longing For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon