Prologue:
Pano kung isang araw mapadpad ka sa isang lugar na napapaligiran ng mga taong malayo ang estado ng pamumuhay sayo. Makakayanan mo bang mag-adjust sa lifestyle na meron sila?
At pano kung isang araw may makilala kang ubod ng arogante at yabang na syang gugulo ng simple mong buhay. At pano kung ang Arogante at Mayabang na yun ang syang mamahalin mo, magwowork out kaya ang Love story nyo?
---
"Wow Auntie ang ganda ng mga building ang tataas" yan ang nasambit ko habang nabyahe kami ni auntie Mary papunta sa bahay nya dito sa Maynila.
Ako nga pala si Ma. Isabela Martines 17yrs old galing akong Bohol Province napadpad ako sa Maynila dahil napagpasyahan ng aking ina na dito ako pag-aralin para makakuha ako ng magandang trabaho pagkatapos ko ng kolehiyo, mas maganda daw kasi ang oportunidad dito kesa sa probinsya kaya pumayag narin ako na dito mag-aral, gusto ko rin kasi mapalaki pa ang lupa namin sa probinsya para mas maraming ani ang makuha. Ang mga magulang ko kasi ay may-ari ng isang anihan ng palay sa Bohol, malaking ektarya ang lupa namin pero mas gusto ko pa tong palakihin. Pangarap din kasi ni Papa na dugtungan pa ang lupang sakop namin, hindi naman kami sobrang yaman dahil sa mga lupang pagmamay-ari namin, masasabi kong mapalad kami kasi may pinagkukunan kami ng sapat na panggastos sa araw araw. Sana nga maganda ang maging kapalaran ko dito sa syudad. "HOY!" panggugulat sakin ni Auntie Mary. "AY! KABAYO! auntie naman eh" sambit ko. "Tulala ka nanamang bata ka, ayusin mo na ang sarili mo at malapit na tayong bumaba." "opo" at sinukbit ko na ang mga bag na dala ko. Makalipas ang 10minuto ay bumaba na kami ni Auntie Mary at tumigil sa isang simple pero magarang bahay. "halika na Isabela pumasok na tayo". sumunod naman ako kay Auntie. "auntie, hindi kaba nalulungkot sa bahay na to? mag-isa ka lang?" tanong ko. "Hindi na, kasi nandito kana para samahan ako" nakangiting tugon sakin ni Auntie. "Bakit kasi ayaw nyong mag-asawa na para may katuwang kayo sa buhay." pahayag ko "hay nako, mas maganda ng solo ka sa buhay kesa mamroblema ka sa love life na yan." ani tita. "tatanda kang dalaga nyan auntie sige ka" pahayag ko habang binubuksan ang dala kong maleta. "Hay nako bata ka, halika na nga't ituturo ko sayo ang kwarto mo". "susunod na po". tugon ko. "Pagpasensyahan mo na at maliit lang ang kwarto mo, ayusin mo nalang para gumanda." saad nya "Nako auntie, ang ganda nga po eh salamat po ah opo, ako na pong bahala". sabi ko habang pinagmamasdan ang buong silid. "Osya, mag-ayos kana para makapagpahinga kana mag-eenroll pa tayo bukas sa unibersidad na papasukan mo". "sige po auntie". Agad ko namang sinunod si Auntie at pagtapos ko mag-ayos ay agad na kong nagpahinga.
"Mr. Arrogant meets Ms. Promdi Girl"
By: HunnyMunchkins© series 2015
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖