Kabanata 6

3.8K 108 4
                                        

Kabanata 6
Takas 

"Dito ka na pala nagtatrabaho? I thought you're working at SB?" ani Elf.

What a great pretender. Kunwaring walang alam pero stalker naman.

Naparolyo na lang ako ng mga mata ko dahil sa ginagawang pagpapanggap ni Elf.

"Y-Yes. Two weeks na." sagot naman ng babaeng nasa harap namin.

"Oh, by the way. I would like you to meet, Fantasia. My girlfriend. Sweety, she's Divine Sarmiento, one of my good friend."

Nakangiti sa amin si Divine pero hindi iyon umabot sa malulungkot niyang mga mata na kapuna-puna ang lamlam 'non. Hindi ko alam kung saang parte ng sinabi ni Elf siya nalungkot. Sa pagpapakilala ba nito sa akin bilang girlfriend o sa pagpapakilala ni Elf sa kanya bilang kaibigan?

Baka totoo nga na may feelings din ito para kay Elf?

"Nice to meet you, Divine." hilaw ko itong nginitian.

"Nice to meet you din." Tila nahihiyang nginitian din ako nito bago niya sinimulang salinan ng tubig ang baso ko.

Nagsimula na rin tumakbo ang munti naming palabas ni Elf na espesyal na handog namin dito.

"Did you like my surprise?" malambing at may diing tanong ni Elf.

I was about to speak when I felt his big and warm hand on my legs, gently caressing it.

Nanayo ang mga balahibo ko sa ginagawa niya. Parang may libo-libong bultahe ng kuryente ang gumapang sa buo kong katawan. Nakalimutan kong maikli lang pala ang suot kong dress, kaya sinasamantala ng lokong 'to na haplusin ang nakaexpose kong mga hita.

"I love it, sweetheart." sagot ko habang nakangiti ngunit pinandidilatan ko siya ng mga mata para sawayin sa ginagawa niyang pananamantala sa hita ko. "This place is so romantic." sabi ko pa at saka mahinang tinampal ko ang kamay niyang nasa legs ko.

Kinuha naman ni Elf ang kamay ko at hinalik-halikan ang likod nito.

"Thank you for always been there for me."

Pumintig ng malakas ang puso ko 'nang pakatitigan niya ako habang binibigkas niya ang linyang iyon na animo bukal sa kanyang puso.

Pagkatapos maproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Elf ay ako naman ang nagbato ng linya ko. "I told you. I will always be there for you." I paused. Mariin ko rin siyang tinitigan. "Because I love you."

Para akong malalagutan ng hininga habang nakikipagtitigan ako sa singkit na mga mata ni Elf. Napakaaamo ng kanyang mukha. Baby face. Ang sarap niyang alagaan.

"You can go back to your seat now. Umalis na siya."

Nagbalik ako sa sarili ko 'nang marinig ko ang malamig na utos ni Elf sa akin. Para ngang binuhusan niya ako ng malamig na tubig.

Paglingon ko sa harap ay wala na nga roon ang babaeng gusto ni Elf kaya agad na rin akong umalis mula sa pagkakakandong ko sa kanya.

"Don't ever do that again!" mariin kong bulalas  kay Elf 'nang muli kong maalala ang ginawa niyang paghaplos sa hita ko kanina.

His devilish smile form in his sexy lips. "What did I do?" maang pa nito.

"Wag ka na ngang mag maang maangan dyan! You know what I mean."

Umangat ang isang sulok ng labi ni Elf. "It's just an act. Mas magiging kapani-paniwala kung magiging intimate ang galaw natin sa isat-isa."

"Mukha mo! Kanina nga ay aayaw-ayaw ka pa sa gagawin ko. Hindi porke't sinasakyan ko ang trip mo, sasamantalahin mo na ako, Mr. Ong!"

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon