Kabanata 45

3.7K 138 16
                                    

A/N: Last post for this week. I'll be back on monday for the remaining 5 chapters. Enjoy reading. Have a nice weekend and keep safe everyone.

--------------------------

Kabanata 45
I'll see you again

"Anong sinabi niya sa iyo? Did you tell him that he's the father?" sunud-sunod na tanong ni Clark habang naglalakad kami papuntang parking.

Panay ang iyak ni Flo habang karga ni Clark.

"Hush, quiet." tila naiiritang saway ni Clark sa anak ko.

"Wala akong sinabi." sagot ko naman sa kanya. "Akin na si Flo."

Kinuha ko si Flo kay Clark. Pero tuloy pa rin ang pagmamaktol nito.

"My loves, what do you want? Stop crying na, mommy will get mad." pagpapatahan ko rito. 

"Dada! Dada! Dada!" paulit-ulit na usal ni Flo.

"Nagtanong ba siya tungkol kay Flo?" tanong na naman ni Clark nang makapasok na kami sa kotse niya.

Naupo ako sa backseat at inayos ang upuan ni Flo na panay pa rin ang iyak. Binigyan ko siya ng pangalawang bote ng gatas na ipinabaon sa amin ni manang Benilda, pero ayaw naman niyang inumin iyon.

Ngayon lang naging ganito si Flo. Nagtatantrums ang anak ko. Napahilot na lamang ako ng sintido ko. Pinipigilan ang sarili ko na wag sumabog at pagpasensyahan ang anak ko.

"Ano, Fantasia? Anong sinabi niya?" naiinip na tanong ni Clark nang magsimula na siyang magmaneho.

Dinadagdagan ni Clark ang stress na nararamdaman ko.

"Wala nga siyang sinabi. Wala kaming napag-usapan." naiiritang sagot ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang tumigil sa pag-iyak si Flo habang umiinom ng gatas sa bote.

Wala na rin nagsasalita sa amin ni Clark. Nakikita ko sa rear-view mirror ang kanyang nakakunot na noo, habang nagmamaneho.

Pag-uwi ng bahay ay muli na namang nag-iiyak si Flo. Hindi ko alam kung dahil ba inaantok ito. Pero malakas ang pakiramdam ko na hinahanap niya ang presensya ni Elf.

Kanina kasi habang papaalis kami sa playground ay panay ang tawag nito kay Elf ng dada at hanggang sa sasakyan ay binabanggit pa rin niya iyon. Flo never called anyone dada, aside from Elf. That's very surprising and at the same time, it touches my heart because my son knows who his father is.

Sa tuwing ipapakita ko kasi ang picture ni Elf kay Flo ay lagi kong sinasabi sa kanya na si Elf ang daddy niya. Flo is a bright kid at talagang tumatak ang mukha ni Elf sa isip ng anak ko.

Muli namang nanumbalik sa alaala ko ang nangyari Kanina, inaya ako ni Elf na makipag-usap sa kanya. Pero para saan? Bakit gusto niya akong makausap? Diba, dapat ako ang nanghihingi 'non sa kanya?

Sa mga sumunod na araw ay dumalaw kami ni Flo sa bahay nila Clark. Namasyal sa kung saan-saan para malibang ang anak ko.

At ngayon, narito kami kanila Benjo. Bumisita lang.
"One year old pa lang si Flo, sikat na. Tatlong araw pa lang na kumakalat ang pictures niya sa internet, one million na agad ang reacts. You captured the heart of a million people, Flo. Amazing." ani Benjo na buhat buhat ang anak ko.

Tinatawanan lang ni Flo si Benjo habang tinatampal nito ang mukha ng pinsan ko.

Narito rin si Nero at Shawn na naglalaro ng playstation.

"Pwede bang maging manager ni Flo, Fantasia?" nakangising tanong ni Benjo.

"Manager ka dyan! Bata pa ang anak ko kinokontrata mo na."

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon