Kabanata 15

3.5K 86 4
                                    

Kabanata 15
Mapanlilang

"Good Morning, ma'am." bati sa akin ng security guard na si mang andoy, pagpasok ko sa munisipyo. I flashed him my genuine smile before I greet him back.

Alas-nuebe raw ng umaga pupunta si Divine sa complex na nasa likod lang ng munisipyo at tanaw na tanaw iyon mula sa opisina ni daddy. Doon ako magpapalipas ng oras para hintayin si Divine na matapos sa pagsubmit ng resume niya at makuha ko iyon agad para dalhin naman kay daddy.

Alam ni Divine na pupunta ako sa munisipyo pero ang alam niya ay pupunta ako rito dahil may dadalhin ako kay daddy. She didn't know that I'm going to help her.

"Ang daming applicant. Siguro mga fresh grad." obserba ko habang nakatingin sa bintana ng opisina ni daddy.

Walang imik si daddy kaya bumaling ako sa kanya. He's busy. Abala siya sa pagtatype sa kanyang laptop. That must be very important.

Muli akong napatingin sa bintana. Labing limang minuto na ang nakakalipas buhat ng mag-alas nuebe. Isa na kaya sa mga applicant na nakapila ngayon si Divine? I dialed her number at agad naman niyang sinagot iyon.

I heard a loud noise in her background when she answered her phone.

"Good Morning. Nasaan ka na? Maya-maya pa kasi ako makakapunta ng munisipyo. Maliligo pa lang ako. Kita tayo later."

"Nandito na ako sa complex. Ang dami kong kasabay na fresh grad. Mukhang malabo talagang matanggap ako rito." aniya.

"Wag ka ngang mawalan agad ng pag-asa. May mga company naman na mas priority ang maraming experience, kaya relax ka lang. Think positive, Divine."

"Salamat, Fantasia. Kinakabahan ako. Sana hindi ako nagsasayang ulit ng panahon sa ganitong job fair. I'll see you later."

Umalis na muna ako sa tapat ng bintana at naupo sa brown leather couch malapit sa malaking bookshelf na may mga makakapal na libro ni daddy.

I'm not in a mood to read that's why I opened the 40inch TV, infront of the couch. May cable iyon kaya nagpalipat-lipat ako ng channel hanggang sa ma-stuck ako sa Fox family movies. Kasabay ng panonood ko ay ang pagbukas ko ng messenger app ko na panay ang notif dahil isinali pala ako ng mga pinsan ko sa group chat nila na may pangalang "Sembreak getaway".

Jerald: Don't forget to bring your girlfriends. Magkakaroon tayo ng couple game. Kawawa ang single. Diba, @Fantasia @Clark ? hahahaha

Benjo: Edi sila na lang ang magkapartner. Kunwari na lang couple rin sila. Ayos ba ang naisip ko? haha.

Tumaas ang isa kong kilay dahil kapapasok ko pa lang sa gc nila ay pinagtitripan na agad nila kami ni Clark.

Fantasia: Ang yayabang niyo. FYI, I'll bring my boyfriend. 😏

I haven't told them yet about Elf. Pero dahil na-triggered ako sa pambubuska nila sa akin ay hindi ko na napigilang ipagyabang na may boyfriend na ako. Kunwari nga lang.

Shawn: As in, boy na friend? Si Clark nga iyon. HAHAHAHA

Fantasia: I'm serious. I'll bring my boyfriend. Makikita niyo.

Nero: Alam ba ni uncle 'yan? 😏

Shit. Hindi pwedeng malaman ni daddy. I have to inform them now.

Fantasia: Hindi pa. I'll tell him soon. WAG NIYO KO PANGUNAHAN HA!

Jerald: Nakupo. Paano na ang @Clark namin? 😂

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon