Kabanata 28
Sundo
Pag-alis ng professor namin sa management ay kanya-kanyang pulong ang bawat magkakagrupo sa thesis. Agad din kaming nagpulong ng apat kong kagrupo. Malapit na ang finals at hindi pa namin napagtutuunan ng pansin ang paggawa ng thesis namin. May naumpisahan naman na kami pero wala pa sa kalahati ang nagagawa naming documentation.
"Okay lang ba sa inyo na mag overnight tayo this saturday? Sa bahay namin. Gawin natin kahit hanggang methodology muna, tapos next na ulit iyong iba. Para kahit papaano, mapag-aralan na natin iyong thesis natin." suggestion ni Carlos.
Siya ang group leader namin dahil matalino ito. May kayabangan nga lang at pagkabossy kung minsan.
"Sige. Kaunti pa lang ng nasisimulan natin, kailangan talaga natin maghabol." sang-ayon ni Elton. Ang nice guy ng section namin.
"Okay lang din sa akin." si Via. Ang kasama kong babae sa grupo namin.
"Wala rin namang problema sa akin." wika naman ni David na hindi mo kakikitaan ng pag-aalala. He always looks calm. Madalas nakapasak ang earphones sa mga tenga at kapag exam ay napakagaling mandaya.
"How 'bout you, Fantasia? Ang tahimik mo riyan." sita ni Via sa akin.
Tinignan nila akong apat. Naghihintay sa isasagot ko.
"Anong oras ba tayo sa saturday? May lakad kasi ako sa araw na iyon."
Dahilan ko kahit na hindi naman siguradong sa araw na iyon ako ipakikilala ni Elf sa parents niya.
"Six pm, sa sb greenbelt tayo magkita-kita." sagot ni Carlos.
"Sumama ka na, Fantasia. Para naman ganahan ako kahit papaano." nakangising sabi pa ni David na pinapungay ang kanyang mga mata.
Ngiwing ngiti naman ang naitugon ko sa kanya. Feeling pogi.
"Sige, sasama ako. Nakakahiya naman kung kayo-kayo lang ang pupunta." sabi ko sa kanila.
"O ayan, huh. Malinaw na ang usapan. Aasahan ko na lahat tayo,magtutulungan sa paggawa. Ang hindi pumunta, automatically out of the group. Wag kayong magpaka-dumbbell." litanya ni Carlos.
Kailangan ko ng maconfirm kay Elf kung tuloy ba ang meeting namin ng parents niya this weekend. I need to get ready for that day.
Nasa gitna ako ng pag-iisip nang makatanggap ako ng notification mula sa gc naming mga cheering squad.
Shanon:
4pm on sharp. Practice sa field.
Nilingon ko si Shanon na nakaupo sa likod at seryosong pumipindot sa cellphone niya.
Next week nga pala ay magkakaroon na naman ng laro ang Smokin Aces at invited ang isang magaling na coach sa Philippine Bastketball Association, may ilan din kilalang basketball players at PBA staff na pupunta. Marahil para maghanap ng mga potential players na qualified makapasok sa PBA.
Naisubsob ko ang mukha ko sa desk ko dahil pakiramdam ko ay ang dami kong gagawin this week. Sana lang hindi ako stress kapag nakaharap ko na ang parents ni Elf.
Pagkatapos ng klase ko ay agad na nagtungo ako sa girl's locker room para magpalit ng cheer leading uniform.
"Bilisan niyo kung gusto niyo makauwi ng maaga." ani Shanon na nakatayo sa tapat namin, kasama si Loisa at Romana. Her two sidekicks. "Ang kukupad niyo kahit kailan." dagdag niya pa habang magkakrus ang kanyang mga kamay at nakataas ang kanyang kilay.
Nagsusuot na ako ng palda nang makatanggap naman ako ng message mula kay Elf. Pangalan pa lang niya ang nababasa ko ay kumakabog na agad ng malakas ang puso ko.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Narrativa generaleFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
