Kabanata 35

3.7K 102 18
                                    

Kabanata 35
Meet


"Punta kami dyan before three? Okay lang ba? Para makapag movie marathon muna tayo. Namili kasi ako kahapon ng snack pag-uwi ko. Naexcite kasi ako, matagal tagal na rin kasi nang huli tayong magmovie marathon nila kuya Jerald."

Nagi-guilty ako habang kausap ko si Clark mula sa phone. He sounds so very excited to come over here in the house.

Ang hindi niya alam, nakalimutan ko talaga ang usapan namin kahapon. Nawala iyon sa loob ko.

"Tumawag na rin ba sa iyo sila Benjo? Balak kasi niyang isama si Sheryl kung okay lang daw sa iyo?"

"H-Hindi pa."

"Siya nga pala, Fantasia. Nagtatanong din si kuya Jerald kung pwede raw ba uminom sa inyo?"

"Naku, baka magalit si daddy."

"Okay lang naman kung hindi."

"But I'll ask him."

"Paki tanong naman ngayon, Fantasia. Para makabili na sana kami bago pumunta dyan."

"Sige, message na lang kita."

"Alright! Finally, makakapag bonding na ulit tayo. Sige, hintayin mo na lang kami dyan, Fantasia. I have to end the call now, may inuutos pa kasi si mommy."

"Sige, Clark."

"I'll see you later."

"Ugh!"

Ginulo ko ang buhok ko at isinubsob ang mukha ko sa study table pagkatapos kong makausap si Clark.

What should I do now?

Wala naman sanang problema sa akin kung pupunta sila rito, kaya lang ay nakapangako rin ako kay Elf na sasama ako sa kanya ngayon sa isang event kung saan dadalo rin ang kanyang mga kaibigan, and he wants me to meet them.

I was so excited to meet his friend kaya napa-Oo niya ako, nakalimutan ko tuloy na may pinangakuhan na pala ako.

Nag-angat ako ng ulo at nangalumbaba. Mula sa nakabukas kong bintana ay tanaw ang maaliwalas na kalangitan. Napatitig ako rito at napabuntong hininga.

Kailangan kong ayusin ang oras ko para pareho kong matupad ang promise ko sa dalawang taong importante sa akin. Ayokong sirain ang pangako ko, sa kahit isa sa kanila. But how can I do that?

Ten minutes before three ay dumating sa bahay si Clark kasama si kuya Jerald at Nero. May dalang alak at snacks ang mga ito.

Nagpaalam naman ako kay daddy kanina at pumayag din siya agad pero ang usapan namin ay sa kung iinom daw kami ay sa veranda na lang daw at saka wag din daw uminom ng marami. Maluwag si daddy pagdating kay Clark at sa mga pinsan ko. Kampante siya sa mga ito dahil matagal na niyang kilala ang mga kasama ko. At saka, wala talagang problema sa kanya lalo na kapag dito namin sa bahay naiisip na mag hangout. Kapag lumalabas lang naman ako ng bahay para gumimik ay doon siya nagiging mahigpit.

"Nasaan si Benjo at Shawn?" tanong ko.

"Ayun, dinaanan pa si Sheryl at Nadia." sagot ni kuya Jerald na pabagsak na naupo sa sofa, tinanggal pa niya ang suot ng snapback at inilapag iyon sa center table.

"Pinayagan mo kasi na magdala ng girlfriend. Dapat sinabi mo, no girlfriends allow. Mas maganda kung tayo-tayo lang, just like the old times." tila naninising sabi ni kuya Jerald.

"Akala ko naman kasi, balak niyo rin isama sila ate Damarah at Lexie." sabi ko naman.

"Hindi rin naman sasama si Damarah kahit ayain ko. May outing kasi sila bukas at madaling araw ang alis nila. Mag-oovernight siya sa isa sa mga kasamahan niya sa trabaho." kwento ni kuya Jerald.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon