Kabanata 36
Don't say it"Dude, she's just freaking nineteen years old! What should I do?" It's Daren and he's embarrassing Elf by imitating him. "And I was like, geez! no worries dude. She's legal. Buti nga may teen, matakot ka kapag nine years old pa lang iyan."
Nagtawanan kami sa kwento ni Daren. Si Elf ay naitutop na lang ang palad niya sa kanyang noo at tahimik na napapailing sa kwento ng kaibigan
Pagkatapos ng skateboarding event na dinaluhan namin ay kumain kami rito sa isang restaurant sa glorietta.
"Hindi lang iyon. Dude," kinalabit ni Aries si Daren. "I remember that you asked him to sing 'Pare ko' by eheads." Aries added while laughing.
I suddenly got confused. I know that song but what does that supposed to be mean?
"What's the point?" Wein asked while his brows furrowed.
I'm not the only one who got confused. Wein probably wasn't there at the time, that's why he didn't know. Panay lang din nga ang tawa niya sa mga kwento ng dalawa nilang kaibigan.
"Wala lang, gusto lang ng gunggong na 'yan na ako raw ang gumawa ng sarili kong background music habang nagdadrama ako sa kanila. Diba, napakatino ng utak niyang si Wright? Eh, hindi naman tugma sa pinagdadaanan ko iyong kanta." Elf said with irritation.
"Naalala ko kasi na binanggit ni Ely Buendia roon na inlove siya sa kolehiyala. Bakit? Kolehiyala naman si Fantasia, huh?" nakangising sabi ni Daren.
Napapangiti na lang din ako sa mga kwento nila tungkol kay Elf. Natutuwa rin ako na kahit hiyang-hiya na si Elf sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya tungkol sa kanya ay hinahayaan niya pa rin ang mga ito na mag kwento.
"At may natatandaan pa akong sinabi ni Dar---"
Hindi naituloy ni Aries ang sasabihin nang makita ko na matalim siyang tinitigan ni Elf. He looks at his friend with full warning.
"Wala pala, nakalimutan ko." ani Aries na tinusok ng tinidor ang natitirang carrot sa kanyang plato.
"Iyon ba iyong sinabi kong mas masarap kapag bata, para ikaw iyong magtuturo---Aray!" Binatukan ni Aries si Daren at pinandilata ng mata ang huli.
Nag-init naman ang pisngi ko at pigil ang pagtawa sa sinabi ni Daren na kahit hindi niya naituloy ay alam ko ng mahalay iyon.
Si Daren talaga. Ngayon ko pa lang siya nakilala ay parang alam ko na agad na siya ang pinaka-pilyo sa kanilang lahat o baka may mas malala pa sa kanya dahil tatlo pa lang naman ang nakikilala ko sa anim na kaibigan ni Elf. Which mean, may tatlo pa akong hindi nakikilala.
"Hindi ko na nga sinabi, tinuloy mo pa." ani Aries.
"What's wrong with that? Hindi naman na bata si Fantasia. She's old enough to hear does words."
"Kahit kailan ka talaga, Daren." umiiling na sabi pa ni Aries.
"Bakit, Lagdameo? Natatakot ka dyan kay Ong? At saka, tama naman ang sinabi ko, huh? Ewan ko ba kasi rito kay Ong, tumatandang torpe. Samantalang noong highschool kami ay kabi-kabila ang babae." ani Daren.
"Because I'm matured enough. Tumatanda na ako, kailangan ko na rin mamili ng babaeng makakasama ko para mag settle down. Tapos na ako sa pang-gogood time. Gusto ko na ng seryoso at pang matagalan."
Napatingin ako kay Elf habang seryoso niyang sinasabi iyon. Naiisip na kaya niya na ako na ang babaeng makakasama niya hanggang sa pagtanda?
"I really thought, you'll ended up with her." si Wein naman ang nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/172104695-288-k861419.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Ficción GeneralFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...