Kabanata 49

4.2K 132 24
                                    

A/N: Read it. Para walang tanong.
The next chapter will be Elf's POV. I'll post it maybe on friday or saturday because that will be the longest chapter of the story, need more time for it to write. Ayun lang po. SALAMAT.


-----------------------------

Kabanata 49
The day




Mahigit isang linggo na buhat nang matapos ang mainit na confrontation namin kay Clark. Nakapag desisyon kami ni Divine na sampahan ng kaso si Clark, but Clark is nowhere to be found. Kahit ang family niya ay hindi alam kung nasaan siya ngayon. Nagmamakaawa sa akin si tita Rogelyn na iurong ang kaso kay Clark, pero buo na ang pasya ko at desidido rin si Divine na sampahan ito.

Clark needs to learn his lesson. There's always a consequence in every action and if you know that you did something wrong, you have to be prepared for the punishment.

Sa totoo lang, naaawa ako kay tita Rogelyn. Pero ipinangako ko sa sarili ko, na sa oras na gawin ko 'to. Hindi ako magpapadala sa awa ko.

Marami kaming naapektuhan sa ginawa ni Clark. Si Divine, si Elf at lalong-lalo na si Flo. Kaya hindi ko palalampasin ang ginawa niya. I almost lost my happy ending.

"Hold on, son. Hold on tight." tuwang-tuwa si Elf habang nakadapa si Flo sa magkadikit niyang binti at itinataas-taas niya ito. Nakahiga si Elf sa kama namin habang tinutupi ko naman ang mga damit ni Flo dito sa lapag.

Dalawang araw na nang lumipat kami ng anak ko rito sa bahay ni Elf. Without manang Benilda. Kaming tatlo lang dito. Namumuhay na para bang isa na talaga kaming ganap na pamilya.

"Baby! Wag mong masyadong taasan! Baka malaglag iyang anak mo!" saway ko kay Elf.

Para namang hindi niya ako narinig dahil panay pa rin ang taas niya kay Flo na napakasarap naman pakinggan ng hagikgik.

"Ang kj ng mommy mo, anak. Gusto yatang halikan ko."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Baliw ka, Elflorencio!"

"Kinikilig na ang mommy mo sa akin, anak." tumatawang sabi ni Elf.

Inirapan ko siya at saka itinuloy ang pagtutupi.

"Up up...in a way!" naririnig ko pang sabi ni Elf.

Natatakot ako sa ginagawa ni Elf sa anak namin pero hindi ko maiwasang mapangiti habang pinanonood ko sila.

I'm so thankful that my son and his dad are finally together.

"Baby, my friends want to throw me a party later. Is it okay to you?"

"Oo naman. I also have a party, later. Hinanda nila ate Damarah." nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "No boys allowed."

Nagkibit balikat ako. "Dipende sa kanila, kung ano ang trip nila."

Napangiti si Elf at saka tumingin sa kisame.

Tumaas naman ang isa kong kilay. "Bakit ngumingiti-ngiti ka riyan?"

"Kilala ko kasi ang mga kaibigan ko. Magaling silang magplano. I'm sure...mag eenjoy ako."

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. "Hoy!" pinamaywang ko ang mga kamay ko. "No girls allowed!"

Ngumisi si Elf. "Dipende rin sa mga kaibigan ko."

Pinaningkitan ko ng mga mata ko si Elf.

"Hey, don't look at me like that." aniya habang nakangiti.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon