Kabanata 21

3.9K 113 13
                                    

Kabanata 21
Goodnight

Ilang linggo na ang nakalipas nang magtungo kami sa ilocos. Natapos na ang undas at isang linggo na rin buhat nang mag simula ulit ang klase. Elf and I haven't spoke since the last time he brought me home.

Gusto ko siyang tawagan, i-text or i-chat man lang, pero nahihiya ako. Nahihiya ako na baka makaistorbo ako sa kanya. He's probably busy.

I really miss him. I wanna see him, but I don't know where to find him. Hindi pa ako nakakarating sa bahay nila at hindi ko naman alam kung saan ang office niya. Damn! Alam ko dapat iyon kahit pa kunwari lang na boyfriend ko siya at girlfriend niya ako.

Paano na lang kapag may nagtanong sa akin kung nasaan ang office niya o kung saan ang address ng bahay niya? Ultimo pangalan ng subdivision or village na tinitirahan niya ay hindi ko alam.

Ngayon ko napagtanto na marami pa pala akong hindi nalalaman tungkol kay Elf.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha dahil sa frustration.

"Ms. Revaldi."

Nagbalik ako sa sarili ko at mabilis na napatayo sa kinauupuan ko nang tawagin ako ng professor namin sa symbolic logic.

"Tell me the difference between deductive and inductive."

Natameme ako sa tanong na iyon ng professor namin. Hindi kasi ako nakikinig kaya hindi ko alam ang isasagot ko and I don't have any idea about it.

"I--I don't know, ma'am." nahihiyang sabi ko.

Kumunot naman ang noo nito at bumaling sa iba kong kaklase.

"Alright, who can answer my question?"

Hiyang-hiya ako pag-upo ko. Naramdaman ko pa ang mga nanghuhusgang tingin sa akin ng ilan kong classmates na akala mo naman ay matatalino.

Dapat kasi ay nagpo-focus ako sa pag-aaral, pero ano 'tong ginagawa ko? Tinatangay ni Elf ang isip ko. He's not just invading my heart, but also my mind. I wonder if he think of me too. Maybe not.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nangalumbaba at saka itinuon ang atensyon ko sa mabait naming professor na ngayon ay ipinaliliwanag na ang pagkakaiba ng deductive at inductive na walang nakasagot ng tama.


Divine
[Ang babait nila rito. Wala pa akong isang linggo pero pakiramdam ko ang tagal na naming magkakakilala. Mababait ang mga taga-munisipyo]

Kwento ni Divine habang magka-chat kami ngayon. Nandirito ako sa canteen at hinihintay si Clark, may usapan kasi kaming kakain sa labas after school.

Fantasia
[That's good. Kailan mo ako, ililibre? Hahaha!]

Divine
[Sa weekend. Kita tayo. Tawagan kita. Sana hindi ka busy.]

Fantasia
[Wala akong pasok ng weekend. Sige, aasahan ko 'yan.]

Natutuwa ako para kay Divine dahil nagtatrabaho na siya ngayon sa Munisipyo. Umalis na siya sa pinapasukan niyang restaurant at flowershop.

"Hey, kanina ka pa?" Nag-angat ako ng tingin sa bagong dating na si Clark.

"Hindi naman. Tara na, nagugutom na ako." yaya ko sa kanya.

Nagtungo kami ni Clark sa greenbelt and while we're looking for a place to eat. Dalawang pamilyar na tao ang nahagip ng paningin ko.

Marami namang mall dito makati pero kapag nga naman nagbibiro ang tadhana ay paliliitin nito mundo mo. At ang lalaking kanina lang ay laman ng isip ko, ngayon ay natatanaw na ng mga mata ko.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon