Kabanata 44

3.4K 135 14
                                        

A/N: Paliwanag ko lang, kapag po nag FAILED ang isang chapter ko. It's either my problem si wattpad o kaya ay binura o inupublish ko yung chapter na iyon. Madalas kasi nangyayari sa akin na habang gumagawa ako ng update, bigla kong nakiclick iyong publish. 😅 kaya ang nangyayari inaunpublish ko siya ulit. So, sa mga naghihintay po ng update ngayon. Eto na ang totoo. Enjoy reading. 6 chapters left...


-----------------------

Kabanata 44
Playground

Pagdating ko sa bahay ay pinagkakaguluhan ng mga kasambahay si Flo na sumasayaw habang pinatutugtog nila iyong baby shark. Gustong-gusto pa naman ng anak ko iyon.

I leaned against the door frame and crossed my arms while smiling and watching him silently, capturing the heart of our maids.

"Ang galing naman ng my loves ko."

Napatingin ang lahat sa akin at agad na nagsilayo ang mga kasamabahay kay Flo. Halatang nahiya ang mga ito sa akin.

"Ang bilis mo naman, hija?" tanong ni manang Benilda. "Papunta pa nga lang kami ng park nitong anak mo." aniya, binuhat na rin niya ang anak ko at lumapit sa akin.

Ang mga katulong naman ay nagkanya-kanyang balik na sa kanilang ginagawa.

"Mama!" ani Flo na inaabot ako.

"Pinababalik po ako sa wednesday. Wala raw po kasi iyong faculty staff na kailangan kong hingan ng signature na ipapasa ko roon sa registrar." sabi ko at saka kinuha si Flo at hinalikan.

"Uhm...ang bango na ng my loves ko, huh."

"Iyak ng iyak pag-alis mo, kaya pinaliguan ko na lang. Ayaw nga magpaawat sa tubig."

"Kawawa naman pala ang my loves ko." Muli kong hinakan si Flo. Nilamutak naman nito ang mukha ko. Pinanggigilan din ako ng anak ko.

Balak ko sanang sabihin kay manang na nakita ko si Elf kanina pero pinili ko na wag na lang magkwento.

Kung sana ay may isang tao akong pwedeng bahagian ng nararamdaman ko pagkatapos kong makita si Elf.

Nagtungo kami ni manang Benilda at ni Flo sa club house, alas-tres ng hapon. Ayaw kasing matulog ng anak ko. Tuwang-tuwa ang anak ko habang nagtatatakbo sa basketball court na kasalukuyang walang gumagamit. May mangilan-ngilang bata naman ang naghahabukan at nagbibisekleta rito.

"Anak mo, Fantasia?" gulat na tanong ni aling Delia. Ang clubhouse caretaker.

Nginitian ko naman ito. "Opo." proud na sagot ko.

"Kagwapong bata."

"Pwera usog." dinig kong sabi ni manang Benilda.

Lagi niyang sinasabi iyon sa tuwing may bumabati kay Flo.

Lumapit sa amin si aling Delia at nilawayan ang anak ko sa talampakan.

"Kaya pala bigla kang nawala. Hindi ka na nagagawi rito kasama si Clark. Iyon pala ay nagkaanak ka na. Nasaan ang tatay niyan? Wag mong sabihin nagkatuluyan na kayo ni Clark?" tila may panunuksong sabi pa nito.

Napakatagal ng caretaker ni aling Delia at dito na rin ako lumaki sa private village na ito. Noong bata ako ay talagang madalas akong maglaro rito sa clubhouse, kasama ang ilang mga batang tagarito rin. Si Clark ay hindi tagarito sa village, nagagawi siya dito kapag bumibisita sila ni tita Rogelyn sa bahay.

Kahit malalaki na kami ni Clark ay nagpupunta pa rin kami rito. Dito kasi kami nagpapahinga pagkatapos namin mag jogging, at saka dito rin nagbabasket ball si Clark at ang mga pinsan ko. Minsan ay nag vovolleyball at badminton din kami rito. Kaya kilalang-kilala kami ni aling Delia.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon