WAKAS

6.4K 212 60
                                        


After 6 years. Finally! Natapos ko na rin ang kauna-unahang series na ginawa ko. Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko. Ang hirap bitawan ng HBB dahil sila ang unang tauhan na nilikha ng imahinasyon ko. Pero ganoon talaga, lahat natatapos.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng sumoporta ng HBB series simula pa noong unang ginagawa ko ito, hanggang ngayon na tapos ko na. Nagpapasalamat ako sa mga magagandang samahan na nabuo natin habang tumatakbo at isinusulat ko ang bawat kwento.

Sana'y makasama ko pa kayo sa mga susunod na storyang gagawin ko. Higit sa lahat, maraming salamat sa Levelionist na hindi nagsasawang palakasin ang loob ko.

Hanggang sa susunod na kwento, sa pagsapit ng bagong kabanata. Magbubuklod muli tayo.

-----------------------------

WAKAS

Tinangay ng malakas na hanging umihip, ang tuwid at lampas dibdib kong buhok na nakalugay. Ang ilang hibla ay humarang sa mukha ko at ang iba naman ay dinala ng hangin sa aking likod.

Ikinawit ko sa likod ng aking tenga ang humarang na hibla ng buhok sa mukha ko at marahan kong ibinaba ang buhat-buhat kong si Flo, na may dalang isang pirasong puting rosas na wala ng tinik ang tangkay. Inilagay ng anak ko ang rosas sa ibabaw ng lapidang nasa harap naming dalawa.

Limang buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang hindi inaasahang pagsugod ni Clark sa chapel na sumira sa dapat sana'y masayang kasal namin ni Elf. Binaril ni Clark si Elf at pagkatapos ay nakipaghabulan ito sa mga kaibigan ni Elf nang pagtulungan siyang hulihin ng mga ito.

Sariwa pa rin sa ala-ala ko ang lahat ng nangyari. Isang bangungot na napakahirap kalimutan.


-------------------------
5 months ago...

Agaw buhay na isinugod namin si Elf sa ospital at nagmamadaling ipinasok sa emergency room.

Pabagsak na naupo naman ako sa isa sa mga upuan dito sa gilid at tulalang napatingin sa kawalan.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Para akong tinakasan ng sarili ko, habang suot ko pa ang duguan kong wedding dress at walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa simbahan.

Sa isang iglap ay naglaho ang mahika, ang ligaya. Parang nalagas na talulot ng bulaklak ang hiwaga ng pag-ibig naming dalawa. Napalitan ng isang bangungot na umalingawngaw sa sagradong lugar na kinaroroonan namin.

Sana nga bangungot na lang ang lahat para kaya ko pang gumising dito, kaya ko pang tumakas, kaya ko pang baguhin ang wakas.

Hindi ko kayang mawala siya. Marami pa akong planong binuo kasama siya. Hindi ko kayang kulayan iyon ng wala siya.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw pagkatapos maoperahan ni Elf. Nanatili siya sa intensive care unit dahil kailangan pa niyang mamonitor. Maraming aparato ang nakakabit sa katawan niya at hindi pa siya pwedeng malapitan, kaya tinatanaw ko lang siya sa malaking salamin, mula rito sa labas ng silid niya.

Walang araw na hindi ako umiiyak, halos hindi na rin ako makakain. Hindi ako umaalis ng ospital kahit na anong pilit ni mommy, ni daddy o ng lahat sa akin.

Ayokong iwanan si Elf. Gusto ko na malaman niyang nandito lang ako, na hinihintay ko siya.

"Baby, please. Wake up. I lost you before and I can't lose you again, not anymore."

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon