Kabanata 13
Nagpapasaya
"Muntik ko na nga siyang masabunutan kanina. Nakakainis ang babaeng iyon."
Katatapos ko lang ikwento kay Clark ang mga nangyari kanina at kanina pa rin siya nakangiti habang nakatingin sa akin. Animo naaaliw siya sa pakikinig sa akin, habang narito kami ngayon sa field at nakaupo sa concrete bench na nasa ilalim ng matandang puno na may malalagong dahon na nagsisilbing pananggalang sa sikat ng araw. Nakapangalumbaba pa nga ang isang kamay ni Clark habang nakaupo siya sa tapat ko.
"Why are you looking at me like that? Nakakainis 'yang mga ngiti mo!" inirapan ko si Clark na nagpakawala naman ng nang-aasar na tawa.
"Nakakatuwa 'yang mukha mo. Kulang na lang ay umusok ang ilong mo sa galit. Kumalma ka nga lang at wag mong pinagpapapansin ang mga iyon. Kapag pinakita mo sa kanila na affected ka, mas lalo ka lang nilang bubwisitin."
"But I can't help it. They're too much. Nakakasira ng pagkatao ang mga binibintang nila sa akin. Madali lang sabihin na wag kong pansinin ang mga iyon, pero ang hirap balewalain, Clark."
"I know, but look at me."
Tumingin ako ng diretso kay Clark na masuyong nakatingin sa akin.
"I'm here. I'm always right here for you. And I'll promise that no matter how many people doesn't believe in you. I will always believe you, in hundred and one percent."
Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Clark. He always take care of me, support me and help me everytime I needed him. He's my ball of positivity and energy.
"I'm so lucky to have you, Clark. Thank you. Kaunting salita mo lang, pinagagaan mo na ang pakiramdam ko."
He smiled at me. "Ikaw naman kasi, ang bilis mag init ng ulo mo. Nagpapaapekto ka agad sa mga sinasabi ng mga tao sa iyo, kahit alam mo naman sa sarili mo na hindi ka nila kilalang talaga. You have to remember that you can't please everybody. May magagalit at magagalit sa iyo, kaya kailangan matuto kang tumanggap ng judgement nila. It's part of your growth, Fantasia."
"Opo, kuya." pabirong tugon ko kay Clark.
Naputol ang tila sumeseryoso na naming usapan ni Clark 'nang tumunog ang phone ko at nang makita ko na si Elf ang tumatawag sa akin ay dali-dali ko itong sinagot. Just by reading his name makes me so excited.
"Hello?"
"Fantasia, Divine is inviting us on her brother's birthday. Remember, Draveson?"
"Yah. P-Paano? Did you see her somewhere?"
"No. She called me."
Kumunot ang noo ko. "She called you? So, nagkakausap pala kayo?"
Muling bumigat ang pakiramdam ko sa kaalamang nagkakaroon muli ng communication si Elf at Divine.
"Yah. Binigay ko iyong number ko sa kanya, last time."
Parang may kung anong dahan-dahang pumipiga sa dibdib ko. Kung anu-ano na agad ang pumapasok sa isip ko.
Siguro nagkakaroon na sila ng deep conversation o kaya ay late night talk. Samantalang ako, nagkakausap lang kami ni Elf kapag kailangan niya ako.
"T-That's good." Malaki na ang chance na mapaamin mo siya sa nararamdaman niya para sa iyo. Baka wala pang three months, mangyari na ang gusto mo at kapag dumating ang panahong iyon, hindi mo na ako tatawagan, kasi hindi mo na ako kailangan.
"So, ano? I'll pick you up this saturday? That's if you don't have any plans. I really hope that you will come with me, Draveson really want to see you again."
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Ficción GeneralFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
