A/N: Just wanna say hi to @Jiebalao | Na Ja
Salamat sa pag encourage sa akin na ipagpatuloy lang ang pagsusulat. Salamat din sa pagbabasa ng mga stories ko. Sana mabasa mo rin ang kwentong 'to at makarating ka sa chapter na 'to because I dedicate this chapter to you. Thank you ulit. 😊-------------------
Kabanata 11
You owe me one."Oh shit!" naitutop ko ang palad ko sa aking noo 'nang marealised ko na sira nga pala ang phone ni Elf na dapat sana ay tatawagan ko para nga tanungin siya kung saan nakatira itong si Divine na ngayon ay mahimbing ng natutulog habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ko.
"I think we need to go back."
Mula sa rear-view mirror ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Clark na tila naghihintay lang ng susunod na sasabihin ko.
"Go back?"
"Balikan natin si Elf. Elf knows her and...s-she's very important to him."
Tumaas ang isang kilay ni Clark. "Important to him? Are they friends? Relatives or---don't tell me they're old lover?"
"No question, please. Let's go. It's almost midnight, Clark."
Dali-daling binuhay ni Clark ang makina ng sasakyan at muli itong umandar pabalik sa bahay nila Shanon.
Sa bahay nila Shanon ay kaunti na lamang ang sasakyan na nakaparada sa tapat nila. Mukhang nagsiuwi na rin ang ilan sa mga bisita.
"Ikaw na lang ang bumaba." sabi ko kay Clark.
Tumango naman ito bago siya bumaba sa kanyang sasakyan.
Habang nakapark dito sa tapat ng bahay nila Shanon ang kotse ni Clark ay nagkaroon naman ako ng pagkakataon na titigan ng malapitan ang babaeng kinahuhumalingan ni Elf.
Divine has a fair complexion, has black, straight hair that longer than mine. Her face is heart-shaped with a high cheekbones. Ang kinis ng mukha niya, walang kahit anong tigyawat, blackheads o pores. Namumula ang pisngi niya pero hindi siya oily. Hindi naman ganoon kakapal ang eyebrows niya pero medyo kalat ang mga iyon at hindi rin gaanong makapal at mahaba ang kanyang mga pilikmata. Walang kahit anong kolorete ang mukha nito. Her nose is small and her naturally red, round lips are partly open. She's naturally beautiful, pure and very innocent. Napakalayo naming dalawa kung titignan.
I don't want to compare myself to her but I can't help it. Bigla akong na-insecure sa kanya. Sa pagiging natural niya at sa kaalamang, gustong-gusto siya ni Elf. Aside from her beautiful face. I know that Elf really likes her personality because she care for her family and she really work hard for them. A mature, independent woman that every guy wants.
"Swerte mo, may lalaking mahal na mahal ka at handang maghintay para sa iyo. Wake up, girl. Wag mo ng pakawalan iyon kasi iyong mga lalaking katulad niya, hindi binabalewala, dapat inaalagaan. Sige ka, ang daming gustong umagaw doon. Including me. Walang sisihin kapag sa akin siya napunta."
Para akong tangang kinakausap si Divine na napakahimbing ng tulog. Naririnig ko na nga ang mahina nitong hilik.
After talking to her. Napasandal ako sa kinauupuan ko at naipikit ang aking mga mata. Inilagay ko rin ang aking kamay sa tapat ng dibdib ko at hinagod ito ng marahan, para kasing pinipiga ang puso ko sa isipang walang-wala ako kay Divine. Malayong magustuhan ako ni Elf dahil hindi niya ako katulad.
"Fantasia?"
Agad akong napadilat 'nang marinig ko ang boses ni Clark.
"Where is he?" tanong ko dahil hindi ko nakitang kasama niya si Elf.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Художественная прозаFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...