Kabanata 12

4.1K 96 8
                                        

Kabanata 12
Pretending

Naaaliw ako sa kwento ni Elf habang naglalakad kami pabalik.  Nakabili na rin kami ng balut na ngayon ay dala ko at nakalagay sa isang pulang plastic. Elf bought six pieces of it dahil ayaw niya raw na mabitin ako.

"Next time iyon naman ang ipapatikim ko sa iyo." ani Elf.

He's referring to a streetfood called, betamax that him and his friends really loves to eat. It's actually their favorite streetfood daw.

"Can't wait to try it!"

Excited na kinatok ko ang bintana ng kotse ni Clark paglapit ko sa sasakyan niya. 

"We're back, Clarky!"

Ilang saglit lang ay ibinaba ng kaibigan ko ang bintana ng kanyang kotse. Papungas-pungas ang mga mata niya na animo bagong gising. Kumunot pa ang kanyang noo 'nang bumaba ang tingin niya sa dala kong plastic.

"Ang tagal niyo. Inip na inip na ako rito." Himutok niya sa amin. "Ano naman 'yang dala mo?"

Malapad ko siyang nginitian. "Balut."

"Sorry, pre. Natagalan kami. Naghanap pa kasi kami ng balut, gusto raw kasi ni Fantasia." apologetic na sabi naman ni Elf.

Hindi inimik ni Clark si Elf. Sa halip ay matama niya akong tiningnan.

"Kailan ka pa natutong kumain n'yan?" aniya. 

"Diba nga, sabi ko sayo...first date namin ni Elf ay tinuruan niya akong kumain ng balut."

Tumaas ang isang kilay ni Clark. "Ah. Siya nga rin pala ang nagturo sa iyo na kumain ng mga streetfood. Hindi niya ba alam na pinagbabawalan ka ng parents mo na kumain ng ganoong klaseng pagkain or maybe because he really doesn't care?"

"I...I didn't know that she's not allowed to eat---"

Matalim na tumitig si Clark kay Elf. "Now you know."

Pinanlakihan ko ng mga mata ko si Clark at saka hilaw na nginitian ko naman si Elf. "It's okay. Dati pa naman iyon. Malaki na ako and I'm healthy, kaya okay lang kung magtatry akong kumain ng mga pagkaing never ko pa natikman. I wanna try something new." Kasunod ng pag-irap ko kay Clark.

"Alright, alright. Can you just get in the car? We're done, Fantasia. Maghanda ka na sa sermon ng daddy mo." tila nananakot na sabi ni Clark.

"We have to go. Thank you dito." paalam ko kay Elf habang bahagya kong itinaas ang dala kong plastic.

He smiled at me. "Take care, young lady." he said and then he pat my head.

Tumango naman ako at saka ngumiti kay Elf bago ako sumakay sa kotse ni Clark.



"Uhm. Ang sarap talaga nito!"

"Magdahan-dahan ka sa pagkain niyan. Alam mo bang nakaka-highblood 'yan." saway ni Clark habang nagmamaneho siya.

"Opo."

"Opo ka dyan. Hindi nakakatuwa na pinaghintay niyo ko ng matagal kanina. Ano na ang idadahilan natin sa daddy mo na hindi tayo nakauwi agad, huh? Alam mo ba kung anong oras na, Fantasia? It's almost one o'clock for goodness sake."

"Calm down. Hindi pa ako nakakauwi ng bahay ay parang sinesermunan na ako ni daddy. Dad, sinapian mo ba ang kaibigan ko?" biro ko kay Clark at saka malakas akong natawa sa sarili kong joke.

Nanatiling seryoso naman ang mukha ni Clark habang nagmamaneho.

"Mabuti pa, Clarky. Tikman mo nalang 'to. I know you haven't eat this."

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon