Kabanata 10

3.7K 93 11
                                    

Kabanata 10
Destined

"Elf, si Clark nga pala."

Nginitian ni Elf ang kaibigan kong kanina pa nakasimangot. Inilahad pa nga niya ang kamay niya kay Clark para makipagkamay.

"Nice to meet you, Clark."

Tumango lang kay Elf ang kaibigan ko at hindi man lang nito inabot ang pakikipagkamay nito. Attitude din 'tong si Clark e.

"CR lang muna ako." paalam ni Clark bago niya kami iniwan ni Elf. Nakita ko pa kung paano niya titigan si Elf na para bang he's trying to say that I'm-watching-you.

"Anong problema 'non?"

"Don't mind him. Ganoon lang talaga iyon, lalo na kapag hindi niya pa gaanong kilala iyong tao."

"Sorry nga pala kasi hindi na ako nakatawag sa iyo. Nagloloko kasi iyong cellphone ko, ayaw bumukas."

I smiled on him. "It's okay. At least you're here. Mabuti na lang talaga at naalala mong sumunod dito. Muntik na kasi kitang isumpa."

Tinawanan ako ni Elf at saka inakbayan. "May bayad 'to." aniya.

Tumaas ang isa kong kilay. "Bayad?"

"Hey, Fantasia! Hi Elf."

Naputol ang usapan namin ni Elf sa muli na namang pagsingit ni Shanon na nakalimutan ko na nasa tabi lang pala namin at sa likod naman niya ay naroon si Loisa at Romana. 'Nang iligid ko pa ang paningin ko ay nakita kong pinalilibutan na pala kami ng ilan pang bisita.

"Fantasia, pinakilala mo na ba ako kay Elf?" tanong ni Shanon habang nakangiti siya ng malapad. 

"Ako din!" singit ni Romana.

"Syempre, dapat ako rin." dagdag pa ni Loisa.

Nilingon naman silang dalawa ni Shanon dahilan para biglang magsitahimik ang mga ito. Marahil ay natakot sa ginawang paninitig sa kanila ng kaibigan.

Ilang saglit lang ay muling humarap si Shanon sa amin ni Elf at muling gumuhit ang plastikadang ngiti sa kanyang mapupulang labi. She's wearing dark matte red lipstick.

"Elf, si Shanon nga pala. It's her party." Pormal ko ng ipinakilala si Shanon kay Elf, para wala na siyang masabi at baka kulitin pa ako.

Ilalahad pa lang ni Elf ang kamay niya ay agad ng kinuha iyon ni Shanon.

"I'm so glad to that you came here, Elf. I know how busy you are but you still you manage to attend my party. I really appreciate it."

"Katulad ng sinabi ko. Nangako ako sa girlfriend ko at ayokong sirain ang pangakong iyon. Right, babe?"

Nakangiting tumingin sa akin si Elf at katulad ng nangyari kanina. Hindi na naman ako nakapagsalita. Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kanya.

Ang lupet ng lalaking 'to! Ang galing umarte at ang galing magpakilig. Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang puso ko sa tindi ng pagpintig nito. Hindi malabong pagkatapos nitong palabas namin ay tuluyan na talaga akong mahulog sa kanya. Tinatamaan kasi ako sa ngiti niya, sa malambing niyang boses, lahat sa kanya ay nagpapahiwatig sa damdamin ko na handa akong ialay ito sa kanya.

Kitang-kita ko sa reaksyon ng mga kababaihang naririto kung paano magpalit ang ekspresyon ng mukha nila sa tuwing titingin sila kay Elf at lilipat ang mga mata nila sa akin. The way they look at me is like they're murdering me inside their head. So creepy.

Dahil nga dumating na si Elf. Hindi na rin lumalayo sa amin ang marami. Parati nila kaming ginigitgit dahil panay ang pa-impress ng mga ito sa nagkukunwaring boyfriend ko. Alam na nga nilang boyfriend ko ay mga nagpapapansin pa.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon