Kabanata 38
OJT
I look at myself in the full-length mirror. Inayos ng kaunti ang nakalugay kong buhok na ikinulot ko ang dulo. I also checked my make-up from my brows, down to my lips. Hindi ganoon kakapal ang make up ko 'cause I'm not into heavy makeup.
Inayos ko naman ang kwelyo ng suot kong slim-cut caramel blazer at hinagod ang kurba kong katawan. Itim na tube top ang isinuot kong panloob na itinuck in ko ang laylayan sa pencil cut skirt na kakulay ng blazer ko.
Bumaba pa ang tingin ko, patungo sa suot kong black pump heels at saka namaywang at nang-aakit na tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Good morning, sir Elflorencio." at saka kinagat ko ang ibaba kong labi.
I shook my head at nahihiyang pinagtawanan ang sarili ko. What the hell am I doing?
Naeexcite na akong simulan ang OJT na ito. Ano kaya ang magiging reaction ni Elf, kapag nakita niya ako na nakasuot ng ganito? Madalas niya akong nakikitang nakadress but not in a corporate attire. Siguro nakita na niya ako once, noong nag defense ako. Iba ngayon. Aside from wearing this kind of decent clothes, he will also find out how formal and diligent I am at work.
Alam ni Elf na ngayon ang simula ng ojt ko. Gusto niya pa nga na sunduin ako para raw sabay na kaming pumasok, pero tumutol ako sa kanya. Para kasi sa akin ay hindi tamang makita ng ibang empleyado roon na magkasama kaming darating. We have to keep our relationship private, at work. Kahit pa ojt lang ako.
"I want you to bring these to him and can you please tell him to send me the blueprint for the site in alabang so I can check it after my meeting."
"Okay, sir."
"By the way, iyong dalawang folders dyan, ayan iyong kailangan niyang pirmahan, pero icheck na rin muna niya. Pakisabi rin na kausapin niya na iyong Architect na kukunin namin." utos pa ni sir Alvin Ong.
Para akong isang dog decoration sa car dashboard na panay ang tango sa kanya.
"Pasensya na kung sa iyo ko inutos iyan. Masyado kasing busy ang pamangkin ko ngayon and I guess he needed someone that can motivates him to do his job." nakangising sabi pa nito na para bang binubuyo ako.
Bahagyang napayuko naman ako dahil sa hiya.
"Okay lang po, sir." Naiilang na nginitian ko siya at saka ako lumabas na sa opisina niya.
Wala namang problema sa akin kung gaano pa karami ang iutos niya sa akin, basta ba makikita ko si Elf.
Kanina ko pa gustong ibida ang suot ko sa kanya, kaya lang ay wala naman akong pagkakataon na gawin iyon. Nasa second floor kasi ako at ako ang taga tanggap ng mga tawag. Taga-ayos ng ilan nilang files, inuutusan din para magpasign ng kung anu-anong papers, magpaxerox, mag print, mag encode at mag scan. Malayo sa kursong kinukuha ko. Pero ginusto ko naman ito. Ginusto ko na dito mag ojt, kaya wala akong karapatang magreklamo.
And I'm really glad that sir Alvin called me for this. Ito na ang chance ko na ipagmalaki ang suot ko kay Elf. Akala ko nga ay mamayang lunch o baka sa uwian ko pa siya makita. Siguradong haggard na ako 'non kahit lapatan ko pa ulit ng make up ang mukha ko.
Kusang bumukas ang pinto pagkatapos kong kumatok sa room 012 kung saan naroon ang office ni Elf.
As usual, pagpasok ko ay bumungad sa akin si Ms. Suarez, Elf's secretary. She's in her work desk. Abalang nakaharap sa kanyang computer.
"Can I come in?" tanong ko habang inginunguso sa kanya ang silid ni Elf.
Nginitian naman ako nito. "Go on. He's actually waiting for you."
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Fiction généraleFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
