Kabanata 7

3.5K 104 10
                                        

Kabanata 7
Bestfriend


Sa P. Burgos ako nagpapababa sa taxi driver. Ito ang red light district sa Makati at dito rin kami madalas mag tungo ni Clark kasama ang ilan naming mga kaibigan o kaya ay ang mga pinsan ko. Umiinom kami kapag masyadong stress sa thesis o kapag gusto namin mag-celebrate. Minsan, sadyang trip lang namin.

Maraming cafe, club at bar dito. Halos magkakadikit na nga kaya masarap mag bar hopping. Pero sa dami ng bar na narito ay mayroon kaming madalas na puntahan. Iyon ay ang Caelum disco bar. Minsan na naming na meet ang gwapo at mabait na may-ari nito. Ang napaka-cool na si kuya Feil.

Pagpasok ko sa Caelum ay sumalubong sa akin ang magandang boses ng isang babaeng bokalista ng bandang kasalukuyang tumutugtog dito sa loob.

Jealous of the girl who caught your eye, one of my darker days...when you looked at her where was I?
Shoulda been in her place, here I am...All alone imagining what might have been If I had been there...

Mapait akong napangiti dahil sa kanta. Akalain mo nga namang ganoong klase pa ng awitin ang maririnig ko. Damn it.

Pilit kong binalewala ang kanta kahit pa namamangha ako sa boses ng umaawit. Masarap nga iyon sa tenga, pero masakit sa dibdib ang bawat linya.

La la la la la la la
She's a very, very lucky girl
La la la la la la la...

Nang matapos kong libutin ang bar at hindi ko makita si Clark ay nagpasya na akong lumipat sa ibang bar. Kasalanan ko naman kung bakit nahihirapan akong maghanap kay Clark ngayon, hindi ko kasi dinala ang cellphone ko.

Paglabas ko ng Caelum ay nagtungo naman ako sa katabi nito. Mas maliit ang bar na pinasukan ko kaya mas madali ko itong nalibot. Wala rin dito si Clark kaya lumabas na agad ako.

Nasa ika-limang bar na ako 'nang may lalaking lumapit sa akin.

"Hi. I'm Marcus." Inabot nito ang kamay niya sa akin upang makipag kamay.

Sanay na ako sa mga lalaking katulad nito. Lalapit at makikipagkilala. Hula ko nga na susunod nitong gagawin ay aayain akong sumayaw o kaya naman ay ibibili ako ng inumin.

Ayoko namang mapahiya ito kaya hilaw ko itong nginitian at saka ako nakipagkamay sa kanya pero hindi ko naisip na magpakilala.

"Nice to meet you, Marcus."

"Would you like to dance?" tanong pa nito.

"I'm sorry but I have to go. I'm looking for someone, so...I'll see you around."

Hindi ko na hinintay pa na magsalita itong muli dahil dali-dali na akong naglakad palayo rito.

Paglabas ko ng bar na iyon ay agad akong pumasok sa katabi nito. Limang bar na halos ang pinasukan ko pero hindi ko nakita roon si Clark kaya bumalik na lang ako sa Caelum at naupo sa bar counter sa tapat ng isang gwapong bartender.

"Can I have martini please."

"How do you want it ma'am?" nakangiting tanong ng bar tender.

Nginitian ko rin ito. "Vodka."

Pagkatapos kong makapag order ng drink ay lumingon ako sa live band na kanina pa kumakanta.

Kiss me out of the bearded barley
Nightly, beside the green, green grass
Swing, swing, swing the spinning step
You'll wear those shoes and I will wear that dress

"Here's your drink, ma'am."

Muli kong nilingon ang bartender na inilapag ang isang baso sa harap ko.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon