Kabanata 40

3.5K 110 39
                                        

Kabanata 40
One month



Hindi ko pa minunulat ang mga mata ko ay ramdam ko na ang sakit ng ulo ko.

Oh God! What is this? A fucking hangover? Naparami ba ang inom ko kagabi?

Hinawakan ko ang ulo ko at nagpalit ng position. Humarap ako sa right side at kinapa ang unan, ko pero iba ang nakapa ko. Matigas at mainit...na katawan?

Nagulat ako nang idilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang natutulog na si Clark. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at mabilis na napabalikwas sa hinihigaan ko.

Anong nangyari?

Napalunok ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Inangat ko ang kumot na nakatakip sa akin. Gusto kong maiyak nang makita ko na wala akong saplot. Wala akong suot na kahit ano and Clark is also naked.

Tangina. Anong nangyari? Bakit wala akong matandaan?

Sa inis ko sa sarili ko ay napaiyak na lamang ako at saka bumangon. Pero bago pa ako makababa ng kama ay hinawakan na ni Clark ang braso ko.

"Saan ka pupunta?" aniya at saka siya bumangon.

"Anong nangyari, Clark?" umiiyak kong tanong sa kanya. Agad ko namang pinunasan ang luha ko.

"We're drunk. N-Nawala tayo sa sarili."

Napailing iling ako.

"Hindi pwede to. I have a boyfriend. Hindi niya pwedeng malaman 'to, Clark." sabi ko sa kanya habang nanginginig ang mga labi ko.

"Fantasia, hindi natin sasabihin sa kanya. Don't worry. I'll keep it as a secret."

Pero bakit hindi pa rin ako mapanatag?

Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at tuluyang bumaba ng kama at saka nagmamadaling kinuha ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig at saka nagmamadali akong pumasok sa cr.


Pagpasok ko sa cr ay umiiyak na sinabit ko muna ang mga damit ko at saka itinukod ko ang mga kamay ko sa sink top. Humarap ako sa malaki at bilog na salamin at nang makita ko ang hubad na repleksyon ko sa salamin ay mas lalo akong napaiyak.

You're so stupid, Fantasia!

Nakipag inuman ka sa kaibigan mo at pagkatapos ay hinayaan mo na mangyari 'to? Bakit hindi ka naging responsable sa mga actions mo? It's cheating. You cheat on your boyfriend.

Kahit na hindi mo ginusto iyon. May nangyari at hindi mo na iyon mababago pa.

"Fantasia, are you okay there?" tanong ni Clark sa akin habang kinakatok ako.

Napailing-iling ako. "I'm fine." sagot ko na lang habang sunud-sunod na bumabagsak ang luha ko sa marble sink top.

Mali ang nangyari sa amin. Pero paano ko mabubura ang pagkakamaling iyon? Natatakot ako. Walang sikretong hindi nabubunyag, pero kung sasabihin ko kay Elf ngayon ang totoo ay maaaring maintindihan niya, pero mas maaaring hindi at kapag nangyari iyon. Maaga siyang mawawala sa akin. I can't.

I think it's better to hide it for now.

I have to keep it secret, so I can still keep our love.

But how long?

Paglabas ko ng Bathroom ay mabilis kong hinanap ang phone ko.

"Hintayin mo ako, Fantasia. Sabay na tayong mag breakfast. Gusto mo bang magpahatid na lang dito o baba na lang tayo?" tanong ni Clark na para bang walang nangyari.

Napaka-unfair talaga kapag may ganitong nagaganap. Sa lalaki, parang wala lang. Pero sa aming mga babae, katakot-takot na alalahanin na ang pumapasok sa amin, ginusto man namin o hindi. It's always hard for us. That's why giving yourself to someone whether your virgin or not is absolutely a risk.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon