Kabanata 16
LearningAng sakit na ng pwet ko sa haba ng byahe. Ilang oras na kasi kaming nasa kalsada. Humihinto lang kami kapag iihi o may bibilhin na makakain. Nasubukan pa nga kanina ang acting skills namin ni Elf 'nang malambing ko siyang sinubuan ng fries at burger habang nagdadrive siya.
Mula sa rear-view mirror ay nakita ko ang nangingiwing mukha ni Clark na nakatingin sa amin, para itong nasusuklam sa ginagawa namin at napapailing-iling na lang bago ito tumingin sa bintana. Nagpatuloy lang ang palabas namin ni Elf 'nang makita ko mula sa rear-view mirror na nakatingin din sa amin si Divine, hindi rin nagtagal iyon dahil agad din siyang nag-iwas, but then I see in her eyes that she doesn't like what she saw. Alam ko na napansin din iyon ni Elf. That means, nagtagumpay kaming dalawa na pagselosin ito.
Bandang alas-dose y medya naman ng huminto kami sa isang karinderya para mananghalian at pagkatapos ay lumarga ulit ang sasakyan ni Elf na sinusundan ng van na minamaneho ni kuya Jerald.
Kasalukuyan na naming tinatahak ang kahabaan ng Ilocos Norte. Natatanaw ko ngayon ang naglalakihang windmill na tila mabagal na umiikot mula sa malayo.
Makapigil hininga and at the same time ay nakakakilabot ang ganda ng mga tanawin sa Ilocos na talaga namang bumubusog sa mga mata ko. Isa na yata ito sa pinakamagandang lugar sa
Pilipinas na napuntahan ko. Masarap mag road trip kasi maganda ang mga daan, walang traffic at tumingin ka man sa kaliwa't kanan ay mabibihag ka ng magagandang tanawin. Hindi nakakaboring ang byahe dahil sa mga ito. Mula sa mga malalawak na taniman, mga malalagong bundok, hanggang sa asul na dagat na may malalakas na alon na tumatama sa mga naglalakihang tipak ng mga bato.Halos maglalabing dalawang oras na kaming bumabyahe at papalubog na ang araw 'nang matanaw namin ang malalaki at puting letra na kung babasahin ay 'Hannah's'. Just like the Hollywood sign in California na nasa tuktok naman ng bundok.
"We're here." anunsyo ni Elf.
Ipinasok niya ang sasakyan niya sa malaking gate at ipinarada ito malapit sa mga cottages kung saan tanaw na tanaw ang maalong karagatan at may mangilan-ngilang surfer ang nakikipagsabayan sa malalakas na alon.
Pagbaba namin ng sasakyan ay kanya-kanya kaming unat. Ang ilan ay mababakas ang excitement habang nakamasid sa dagat. Nakakaexcite naman kasi talagang lumangoy sa tubig dahil sa nakakahalina nitong kulay at ganda. Kaya lang ay makulimlim ang langit na para bang nagbabadyang bumagsak ang malakas na ulan or maybe it's just natural dahil palubog na ang araw.
I can't believe na halos nasa dulo na kami ng mapa ng Pilipinas. Sa naggagandahang tanawin palang along the way, masasabi ko ng worth it ang labing-dalawang oras na byahe namin papunta rito.
"Namanhid ang pwet ko sa haba ng byahe." ani Nero habang nag-uunat.
"Ilabas niyo na ang mga gamit natin, punta lang ako sa reception area." sabi naman ni kuya Jerald na sinamahan ng girlfriend niyang si ate Damarah. Magkaholding hands pa ngang naglakad ang mga ito.
"Baby, picturan mo nga ako rito." ani Shawn na parang batang nag pose sa tabi ng isang life size cartoon character na nagkalat dito sa malawak na parking area ng resort.
"They have to see this." dinig kong sabi ni Elf na nakapamaywang habang tinatanaw ang dagat. Katabi niya si Divine.
"You mean, your friends?"
"Ah huh."
"Next time, ayain mo sila rito. For sure, they'll gonna love it. Ang lakas ng alon e, masarap mag surf. Diba, mahilig naman kayo mag-surf?" ani Divine.
"How did you know that?" tila namamanghang tanong ni Elf dito.
"Sinabi mo noon."
"If I will be satisfied on their service, I will definitely comeback. For now, I have to check if it's worth to stay here."
![](https://img.wattpad.com/cover/172104695-288-k861419.jpg)
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Ficção GeralFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...