Kabanata 47
Yes
"He's been trying to tell me about it, but I always refuse to talk to him." sabi ko kay Divine habang nagmamaneho.
"Pero siguro naman, ngayon na sinabi ko na sa iyo ang totoo, pakikinggan mo na siya? You two need to talk. Marami pa kayong dapat pag-usapan." ani Divine na nang tignan ko sa rear-view mirror ay mabilis na tumitipa ito sa kanyang cellphone.
Lumipat ang tingin ko sa anak niyang mahimbing ng natutulog.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko kay Divine. Nasa taguig na kami ngayon.
Nag-angat siya ng tingin at nagpalinga linga.
"Oo, dyan!" Itinuro niya ang isang private village kung saan may nagbabantay na guard na agad hinarang ang sasakyan ko.
Ibinaba naman ni Divine ang bintana ng sasakyan at may kung anong pinakita ito mula sa kanyang cellphone. Probably a gate pass.
"Sige po, ma'am. Okay na po." nakangiting sabi sa akin ng guard bago ko pinaandar at ipinasok ang sasakyan ko sa malapad at tuwid na daan ng village.
Wala pang gaanong bahay sa village na ito. Iilan pa lang ang nakikita ko at malalayo ang mga ito sa isat-isa. Napakarami pang bakanteng lote na may nagtataasan ng damo.
Maganda ang lugar na ito. Tamang tama sa mga taong gustong magsimula ng bagong buhay.
Habang patuloy na binabagtas namin ang mahabang daan ng village. Isang malakas na kulog ang pinakawalan ng maitim na ulap na nagbabadya ng pag-ulan.
"Mukhang uulan pa yata. Nasaan na ba ang bahay niyo?" tanong ko kay Divine.
"Ayun! Ihinto mo roon." turo ni Divine sa akin sa isang two storey modern rustic house na pinaghalong brown, black and white ang nakikita kong kulay.
That's her house? Eh, mas maganda pa ang bahay na iyan sa bahay namin, huh?
Namumukod tangi ang ganda ng bahay na iyon. Parang isang magaling na architect at engineer ang nagtulong na itayo iyon.
Sa harap ng bahay ay natatanawan ko na may nakatayo roon.
Kumunot ang noo ko. That someone looks familiar.
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan kaming makalapit sa bahay at makilala ko ang taong nasa harap nito. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko.
It's Elf. His hands on his gray sweat shorts pocket and he's wearing a black drop armhole tank top, while his black hair is a little bit messy but makes him sexy.
"B-Bakit nasa harap ng bahay niyo si Elf?" nagtatakang tanong ko kay Divine.
Ngumiti si Divine. "Because it's actually his house." aniya. "Can't afford pa namin ang ganyang bahay, Fantasia. I think, milyones ang ginastos ni Elf para itayo iyan." dagdag niya pa.
Paghinto ko ng sasakyan sa tapat ng bahay ay si Divine ang unang lumabas.
"Ayan, huh. Dinala ko na para sa iyo." dinig kong sabi niya kay Elf na nginitian naman siya at saka kinuha kay Divine ang anak nitong gising na.
"How are you, little girl?" ani Elf sa anak ni Divine, habang karga nito ang bata.
Pagbaba ko naman ng sasakyan ay nakangiting lumapit sa akin si Elf. "Glad you came." aniya.
Hindi ako makapagsalita. What's going on here? Hindi ko nga alam na sa bahay pala niya ang punta namin.
Nagtatakang tinignan ko si Divine pero abala nitong inaayos ang baby carrier niya at saka inilagay ang anak niya roon. Tinulungan pa nga siya ni Elf na isuot ang carrier sa balikat niya, paharap.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Fiksi UmumFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
