Kabanata 30

4.2K 110 20
                                        

Kabanata 30
Out of my mind



An awkward silence filled the whole dining area. Naninisi pa nga na tinignan ni tita Lilian, si tito Stephen na patay malisya sa mga sinabi nito. Nilingon ko naman si Elf nang tanggalin niya sa pagkakapatong sa kamay ko, ang kamay niya. Ganado na siyang kumakain ngayon, but he looks pissed, the way he holds his spoon and fork.

I have to do something to change the mood of everyone.

"Alam niyo po,"

Nag-angat ng tingin sa akin ang parents ni Elf. Si Elf naman ay napalingon sa akin nang basagin ko ang katamikan namin.

"Noong unang beses na nag date kami ni Elf. Akala ko, sa isang mamahaling restaurant niya ako dadalhin. Pero malayo sa expectation ko ang lugar na pinagdalhan niya sa akin."

"Saan?" curious na tanong sa akin ni tita Lilian.

I smiled before I answer her question. "Sa baywalk po."

"Roxas boulevard?" hindi naman makapaniwalang tanong ni tito Stephen.

I nodded with a smile. "Kumain kami ng mga streetfood at tumambay sa seawall, then we made a little conversation. I never thought that I'd enjoyed it."

"You eat, street food?" amused na tanong ulit ni tita.

I bite my lower lip before I nod.

"Ikaw talaga, Elflorencio! Bakit mo pinakain ng streetfood si Fantasia?" nanenermon na tanong ni tita Lilian.

Nakangiting nilingon ako ni Elf at saka muli niyang kinuha ang isa kong kamay na ipinatong niya sa hita niya at nilaro-laro ang mga daliri ko.

"Nagustuhan naman ni Fantasia." pangangatwiran ni Elf.

"Opo. Masarap ang lahat ng iyon. Lalo na po iyong balut." proud ko pang sabi.

"See. She likes it." nakangising sabi pa ni Elf.

Mukhang effective ang pagkukwento ko dahil nakakangiti na si Elf.

"Hija, kumakain ka ba talaga ng mga pagkaing iyon?" tanong ni tito Stephen habang nangingiwi ang mukha nito.

Hilaw naman akong napangiti. "Hindi po. Ayaw kasi ni daddy na kumain ako 'non kasi---"

"Nakita mo na, Elf! Tinuturuan mo si Fantasia na sirain ang utos ni Quaquin sa kanya." ani tito Stephen.

"Wala namang nangyaring masama sa akin, hindi naman po kasi mapili ang tiyan ko." katwiran ko.

"Mali pa rin ang ginawa ni Elf." umiiling na sabi pa ni tita Lilian.

"Okay lang naman po iyon." Muli ko silang nginitian. "Sometimes, breaking the rules can give you the best experience and lesson that you will never forget. Siguro naman po, may mga binali rin kayong utos ng parents niyo noon, na hindi niyo pinagsisisihang ginawa niyo, kasi for once naging masaya kayo."

Nagkatinginan ang parents ni Elf sa sinabi ko. Tila tinatanong ang isat-isa.

"In my case. I don't regret breaking my dad's rule, 'cause as what I've said. I've learned and I experience something that I will never forget. I also realized, that simpliest thing can turned into the most expensive one, when you share it with someone you love."

Muling nagkatinginan si tita Lilian at tito Stephen na hindi umimik pero parehong napangiti sa sinabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam si Elf sa parents niya na ililibot muna ako sa buong bahay nila. That's why we're here now on their huge garden, with lots of different kind flowers. Roses, santan, sampaguita, gladioli, chrysantemum, bougainvillea and orchids. Iyon lang ang nakikilala kong bulaklak na narito, but lots of flower is in here, hindi ko lang alam ang pangalan ng iba. May bonsai at dalawang hindi kalakihang palm tree rin ang narito. Sa ilalim ng palm tree ay naroon ang isang white round steel table na may apat na white steel chair, kung saan pwede ka tumambay, outdoor.

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon