Kabanata 17
You want it or not?Pagdating namin ni Elf sa restaurant ay kumakain na ang mga kasama namin at marami ng pagkain sa gitna ng mahabang mesa.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Benjo na nanghuhusga ang mga tingin sa amin at nakangisi siya na para bang may tumatakbong kung ano sa utak niya.
"Ang tagal kasing gumising nitong si Elf." sagot ko habang pinaghihila ako ni Elf ng upuan sa tabi ni ate Damarah. Pambabalewala na rin sa malisyosong mga tingin at ngisi ni Benjo.
"Napasarap sa pag tulog. Masyado kasing mahaba ang byahe." nangingiting dagdag pa ni Elf na naupo na rin sa tabi ko.
"Napasarap lang ba talaga sa pagtulog? O nagpasarap sa---"
Mabilis kong tinignan ng masama si Benjo. "Sige subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo." nagbabantang pinandilatan ko siya habang siya naman ay tumatawa. Aliw na aliw ang loko.
I know what's on his mind. Kabisado ko na ang pag-iisip ng mga pinsan kong lalaki. Alam ko na puno na naman ng malisya ang laman ng sinto-sintong utak ni Benjo ngayon. Napakamalisyoso niya kasing tao.
Nilingon ko si Elf. Ganado na siyang kumakain sa tabi ko, hindi naaapektado sa mga sinasabi ng pinsan ko.
"Tama na 'yan, Benjo. Kumakain, eh." saway naman ni kuya Jerald.
Sa kanilang apat na pinsan ko ay si kuya Jerald lang talaga ang matino.
Tumigil sa pagtawa si Benjo at nagkamot ng ulo. "Nagbibiro lang naman ako." aniya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo." sabay irap ko sa kanya.
Dahil pansin ng mga pinsan ko na wala ako sa mood makipagbiruan sa kanila ay napunta ang atensyon nila kay Divine at umikot ang usapan tungkol sa kanya. I know that my cousins are so interested to her. Ipinapakilala ko pa lang si Divine sa kanila ay bakas na ang paghanga sa mukha ng ilan sa mga pinsan ko.
Sino nga naman ba ang hindi maaattract kay Divine? Kung ganda ang pag-uusapan ay mayroon siya 'non. Iyong gandang susundan mo ng tingin hanggang sa mawala sa paningin mo. Papasa siyang artista kung mukha ang pag-uusapan, kayang-kaya niyang makipagsabayan pagdating sa pagandahan. Kung hindi ko kilala si Divine ay aakalain ko na anak mayaman siya dahil sa porselana niyang kutis na dinaig pa ako. Palagay ko nga ay may dugong banyaga siya, hindi ko pa kasi naitatanong iyon sa kanya. There's still so many things I don't know about her.
"Wow! Double job? Mahirap iyon." namamanghang sabi ni kuya Jerald, matapos ikwento ni Divine na nagtatrabaho siya.
"Mahirap pero kinakaya. At saka, nasanay na rin."
"Kaya siguro wala kang boyfriend kasi wala ka ng oras para sa lovelife?" sabi naman ni Benjo.
"Ganoon na nga." nangingiting sagot ni Divine.
"Pero siguro naman ay maraming nanliligaw sa iyo. Sa ganda mong iyan?" si Nero naman ang nagtanong, may kasama pang pamumuri.
Hindi ko masisisi si Sheryl at Lexie na nakatitig ng masama ngayon sa mga boyfriend nilang pasimpleng umaandar ang kalandian.
"Meron naman. Pero ipinapaliwanag ko agad sa kanila na wala talaga akong panahon para pumasok sa isang relasyon."
"May mga manliligaw ka rin siguro na matitigas ang ulo. Iyong tipong, alam na ngang hindi ka pwede, pinagpipilitan pa ang sarili nila sa iyo at gumagamit pa ng ibang tao." napatingin ako sa nagsalitang si Clark. Halatang may pinatatamaan siya sa mga sinabi niya na may diin pa ang dulo.
Ang seryoso rin kasi ng mukha niya at halatang si Elf ang pinatatamaan niya dahil kay Elf siya nakatingin.
"Wala naman siguro akong ganoong manliligaw. Marunong namang umintindi ang mga nanligaw sa akin noon."
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Ficción GeneralFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...