Kabanata 22

4.3K 115 13
                                        

Kabanata 22
Would You Believe it?

I checked myself in the mirror before I go out of my room. I'm wearing a simple old rose mini wrap dress na tinernuhan ko ng white beige suede heeled sandals. My hair is in bun and I just applied light make-up.

Elf and Clark is already waiting downstairs for like ten or fifteen minutes. Halos magkasabay lang kasi silang dumating. Hindi ko nga ineexpect na susunduin din ako ni Elf dito dahil wala naman kaming usapan.

Huminga muna ako ng malalim at saka ko isinukbit sa balikat ko ang white channel sling bag at saka ako lumabas ng kwarto.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan na nanginginig ang mga tuhod at mahigpit na nakahawak sa railings nito. Naririnig ko si daddy na kausap si Elf. They're talking about Elf's project.

Pagbaba ko ay si Clark ang unang nakakita sa akin na agad napatayo sa kinauupuan niya at nakaawang ang bibig na hinagod ako ng tingin.

"You look great, Fantasia!" si mommy na nakita na rin ako. Doon lang din ako napansin ni daddy at Elf na sabay na napalingon sa akin.

Humigpit ang hawak ko sa sling bag ko nang magtama ang mga mata namin ni Elf na hinagod din ako ng tingin.

"Sorry sa paghihintay." kaswal kong sabi.

Nilapitan naman ako ni mommy. "Ang ganda talaga ng anak ko. Dala-dalawa pa ang nagsusundo." nanunuksong bulong niya sa akin. Nahihiyang napangiti naman ako.

"Kayong dalawa, take care of my daughter. Pasaway pa naman kung minsan ang isang 'yan." ani daddy.

"Don't worry, Mr. Revaldi. I'll take care of her." assurance ni Elf kay daddy.

"Safe po si Fantasia, kapag kasama ako." pagmamalaki naman ni Clark.

"Sige na at umalis na kayo, baka wala na kayong maabutan sa birthday party na pupuntahan niyo." ani daddy.

Birthday party ang paalam ko kay daddy na pupuntahan namin, kaya iyon din ang paniniwala niya. Ayoko namang sabihin sa kanya na makikipag-date ako. Pag nalaman ni daddy na boyfriend ko si Elf ay baka mahirapan pa akong lumayo sa kanya. Mas mabuti na ang wala silang alam ni mommy sa kalokohang pinaggagagawa ko. Tiwala rin naman ako na hindi sasabihin ni manang Benilda ang nalalaman niya.

"Sakay na, Fantasia." maawtoridad na utos ni Elf sa akin.

"Sa akin siya sasakay. Wala naman kayong usapan na susunduin mo siya, bigla ka na lang sumusulpot." sabi naman ni Clark.

Nag-igting ang mga panga ni Elf at mariin niyang tinignan si Clark. "I'm her boyfriend. Mas tamang ako ang kasama niya."

Hinilot ko ang sintido ko. Hindi ko na rin alam kung kanino ba ako sasama. Kami naman talaga ni Clark ang may usapan na susunduin niya ako, pero heto at nandirito rin si Elf na kunwaring boyfriend ko.

"Fake Boyfriend--"

"Hush. Wag nga kayong maingay, baka marinig pa kayo ng parents ko e. Ganito na lang," Bumuga ako ng malalim na buntong-hininga at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "Kay Elf muna ako sasama. Tama siya, mas mabuti kung magkasabay kaming darating sa restaurant." Nakita kong ngumisi si Elf kay Clark.

"Pero...kay Clark ako sasabay pag-uwi. Clear?"

Si Clark naman ang ngumisi ngayon kay Elf.

"But I told your---"

"No more buts, Elf. That's my decision and I hope you respect that. Let's go, wag natin paghintayin si Divine."

Parang may invisible electricity ang kumonekta sa nagsusukatang tingin ni Clark at Elf bago sila pumasok sa kani-kanilang sasakyan.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon