Kabanata 24
Let's quit thisAgad akong umuwi ng bahay pagkatapos ng klase. Nakakapanibago dahil hindi ko kasabay na umuwi si Clark. Hindi ko na kasi siya nahintay kanina dahil thirty minutes pa, bago matapos ang huli niyang klase. Nagpaabiso naman ako sa kanya na mauuna akong umuwi dahil aalis ako. Inaya nga rin ako ng ilang kagrupo ko sa cheering squad na manood ng sine. May magandang movie raw kasi na showing ngayon and they are all excited to watch it, maliban sa akin. Mas excited kasi ako na makita at makasama si Elf, sa lugar na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung saan.
"Mag-iingat kayo. Ingatan mo iyang alaga ko, Mr. Ong." bilin ni manang Benilda nang papasok na ako sa loob ng sasakyan ni Elf.
Tipid na nginitian naman ni Elf si manang. "Wag po kayong mag-alala, hindi ko po pababayaan ang alaga niyo." aniya bago siya tuluyang pumasok na rin sa loob.
"Fantasia, seatbelt." ani Elf.
Agad ko namang isinuot ang seatblet ko. Hinintay niya pa ngang maisuot ko ito ng maayos, bago niya binuhay ang makina ng kanyang sasakyan.
"Saan natin dadaanan si Divine?" tanong ko kay Elf na tahimik na nagmamaneho ngayon.
Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo.
"Inaya mo ba siya?" Tanong niya sa akin.
"H-Hindi. Baka kasi...ikaw ang nag-aya sa kanya."
"Wala naman akong sinabi sa iyo na kasama natin siya, diba? At saka, bago pa lang si Divine sa trabaho niya, hindi tama na mag-absent agad siya."
"So, sinong kasama natin?"
Tumawa si Elf. "May nakikita ka pa bang iba nating kasama, Fantasia? Hindi ba tayo pwedeng umalis na tayo lang?"
"Tayo lang talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Muli namang tumawa si Elf. "What's the fuss about, Fantasia?"
Alanganin ko siyang nginitian. "Wala. Wag mo nalang akong pansinin."
Tumingin ako sa labas ng bintana upang pakalmahin ang damdamin ko na ngayon ay ginagapangan ng mumunting kaba, dahil sa isipang kaming dalawa lang ni Elf ang magkasama at hindi ko maiwasang mag-isip ng maaaring mangyari. Kinakabahan ako dahil baka makalimot na naman kami at mawala sa sarili.
Hindi ko naman pinagsisisihan na may nangyari sa amin ni Elf noon. Pero hindi ko kukunsintihin ang ganoong kawain, not because I'm against of premarital sex, ayoko lang na ginagawa lang namin iyon because of lust. Maybe to me it's love, but what about him? I really want to be with Elf, even if I know that the more we get closer, the more I fall deeply in love with him.
Kasalukuyang tinatahak namin ngayon ang isang makitid na daan. Hindi iyon aspaltado, ngunit patag ang lupa at napapaligiran ng matataas na halaman. Nagtatalong kulay rosas at lila na ang kalangitan, nagbabadya ng paglubog ni haring araw. Ilang sandali pa ay narating na namin ang aming pakay.
'Riverfront Garden Resort' Ang basa ko sa wooden signage na nasa entrance.
Maraming sasakyan ang nakaparada rito sa harap ng resort, pero mukhang naghahanda ng umalis ang ilan sa mga ito. Bago pumasok sa resort ay naroon ang reception area.
Tahimik lang ako habang kausap ni Elf ang babaeng receptionist na ang lapad ng ngiti habang kausap siya. Maging ang ilang guest na kararating lang at ilang pauwi na, ay napapatingin kay Elf na nakasuot ng plain white shortsleeve na nakabukas ang dalawang butones sa itaas, brown khaki shorts at espadrilles naman ang kanyang pang-apak. May ilang hibla ng buhok niya ang tumakas sa pagkakatali nito dahil sa malakas na ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Художественная прозаFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...