Kabanata 1
Hired
"Kasalanan ko ba na maganda ako at type ako ng boyfriend niya kaya nakipag break sa kanya at gustong maging single para makaporma sa akin? Lakas ng loob niyang siraan ako. Masyado siyang bitter. Nakakainis!"
Nanginginig ang buo kong katawan habang naghihimutok ako kay Clark dito sa canteen ng East Middleton University. Nabalitaan ko kasi mula sa mga kaklase ko at kasama sa cheerleading squad na may isang babaeng bitter sa akin at nagkakalat ng chismis na nilalandi ko raw ang syota niyang varsity player.
Highschool pa lang ako. Ang dami ng babaeng naninira sa akin at ako ang parating sinisisi kapag nakipag break sa kanila ang mga boyfriend nila.
Maarte ako pero hindi ako malandi. Kaya masakit sa akin na iyon ang nagiging tingin ng iba sa akin.
"Kalma. Hindi naman totoo iyon kaya dapat hindi ka masyadong affected." ani Clark.
"Hindi ko lang talaga maiwasang mainis. Iyon kasi ang parati nilang tingin sa akin. Sinisira nila iyong pagkatao ko! In my nineteen years of existence, isang beses pa lang ako nagkaroon ng boyfriend and that's Jake. Naghiwalay kami kasi sabi niya ay mas gusto niyang mag focus sa study, then one time nalaman ko na may bago na siyang nililigawan. Luckily, I'm still virgin."
"Hey! Lower your voice, lady. People can hear." saway ni Clark sa akin.
"Edi marinig nila. Atleast, proud ako na virgin pa ako. Ako na sinasabi nilang malandi. Iyong iba nga dyan, kala mo santa pero may itinatago naman pa lang baho."
Tumayo si Clark sa inuupuan niya.
"O, saan ka pupunta?"
"I'll buy you a snack. Stay there."
Tinapik niya ako sa balikat at saka naglakad palayo sa akin.
"Uy hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko?"
Nilingon niya ako habang nakangiti. "Alam ko naman na ang gusto mo." aniya at saka kinindatan ako.
Second sem na namin at sa next school year ay 4th year na ako. Gagraduate na ako at pagkatapos ay magtatrabaho na. Ano kayang mangyayari sa buhay ko kapag nagtrabaho na ako?
Kapag iniisip ko ang future ay nakakaramdam ako ng takot. Siguro dahil hindi pa ako handa sa bago at mas malaking mundong tatahakin ko because I'm still enjoying myself as a student. Mas gugustuhin ko pang gumawa ng thesis kaysa mag trabaho.
Nangalumbaba ako at kinalikot na lang ang cellphone ko habang hinihintay si Clark.
Ang dami kong messages pero tinatamad akong magreply. Nagsasawa na akong makipag chat sa kung sinu-sinong lalaki na puro na lang 'kumain ka' na ang madalas sinasabi. Linyahan ng mga pa-fall, puro rin pambobola ang ginagawa.
"Hi, Fantasia."
Napalingon ako sa mga varsity player na bumati sa akin. Nakapwesto silang lahat di kalayuan sa kinaroroonan namin. Isang mesa lang ang pagitan.
"How's the practice?" tanong ko sa kanila.
"Nakakapagod pero para sa Smokin Aces, gagalingan namin and this time, mananalo na ang Smokin Aces laban sa Fireballs." ani Donrick.
"Last time na nakalaban ng Smokin Aces ang Fireballs, natalo tayo kasi ang gagaling daw maglaro ng HBB." kwento naman ni Silvester.
"Si Aries at Michael ang pinakamagaling sa kanila. They are legend. " ani Donrick.
"Si Michael, galing iyon sa Smokin Aces." sabi naman ni Carl.
Hindi ko kilala ang mga pinag-uusapan nila kaya inalis ko na ang atensyon ko sa kanila lalo na 'nang bumalik na si Clark sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
General FictionFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
