Kabanata 39

3.5K 93 15
                                        

Kabanata 39
Amats





It's weekend. Walang ojt and that means, I can relax now. I'm planning to spend this whole day, watching movies or a series maybe, basta iyong magugustuhan ko. Supposedly, kasama ko sana ngayon si Elf, kaya lang ay kinailangan niyang pumunta sa site nila sa Pampanga. Mayroon din daw siyang meeting roon. So, I have no choice but to watch, alone.

Kung okay lang sana kami ni Clark ngayon. Siguro siya ang kasama ko. Kaya lang ay napakataas ng pride ng isang iyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako magawang kausapin.

It's quarter to three when I get out of the shower. Tamang-tama ang paglabas ko ng banyo nang tumawag si kuya Jerald sa cellphone ko na nakapatong sa kama.

I'm still on my robe when I pick up my phone.

"Yes, kuya?" sagot ko at saka pabagsak na naupo sa single couch na nasa paanan ng kama ko.  Ipinatong ko pa ang dalawa kong paa sa center table.

"Alam mo na iyong balita?"

Tumaas ang isa kong kilay. "Anong balita?"

"Isang linggong naospital ang mommy ni Clark. Kauuwi lang sa bahay."

"What? B-Bakit ano raw ang nangyari? How 's tita Rogelyn?"

"Sabi ko na nga ba at hindi mo pa alam. Sa dalawang beses na dumalaw kami sa ospital ay hindi ka man lang namin nakita. Ang sabi ni Clark ay busy ka lang daw, pero napapansin namin na parang hindi talaga kayo okay. Inatake si tita Rogelyn at kahapon ay inuwi na siya sa bahay, kaya lang ay minomonitor pa rin ang condition niya, lalong humihina ang puso niya. Iyon ang sabi ni Clark."

Napahawak ako sa dibdib ko pagkatapos marinig ang mga sinabi ni kuya Jerald.

"Alam ko na busy ka sa ojt mo kaya ngayon lang kita tinawagan."

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay kuya Jerald. Naaawa ako sa kalagayan ni tita Rogelyn.

"Hello, Fantasia? Are you still there?"

"Y-Yes, kuya. I was just shocked. Naawa ako kay tita." 

"Kamusta ba kayo ni Clark ngayon? Alam mo, maganda siguro kung damayaman mo siya ngayon, Fantasia. He really needs comfort. We tried it, pero walang nangyayari, baka sa iyo umubra. Alam naman namin na gusto ka ni Clark."

Nalaglag ang balikat ko. "Galit siya sa akin, kuya. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong makita."

"Matigas lang ang isang iyon. Pero madalas kapag nakakasama namin siyang gumimik ay hindi ka nawawala sa mga kwento niya. He miss you. Siguro nagmamatigas lang talaga siya for the sake of his ego."

Napabuntong-hininga ako.

"Ngayon ka niya kailangan, Fantasia. Ang daming problema ng tao. Sigurado, gagaan ang loob niya kung ikaw mismo ang lalapit sa kanya."

"Muli akong huminga ng malalim. "Sige pupunta ako sa kanila mamaya."

"That's good. Balitaan mo na lang ako."

Isa na namang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Kawawa naman ang kaibigan ko. Bakit kasi napakataas ng pride niya?

Napailing na lamang ako at saka nagbihis na para pumunta kanila Clark. Tuluyan ng nabura sa isip ko ang plano ko na manatili lang ngayon dito sa bahay.

Ngayon ako kailangan ni Clark. Whether he wants to see me or not, pupunta ako sa kanila. At saka, hindi lang naman dahil sa kanya kaya ako dadalaw doon, gusto ko rin dalawin ang mama niya.

Pagdating ko sa bahay nila Elf ay ang maid nilang kilala na ako ang nagpapasok sa akin.

"Nasa kwarto po si ma'am Rogelyn." sabi nito sa akin nang tanungin ko kung nasaan ang mommy ni Clark.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon