Kabanata 19

4K 118 15
                                        

Kabanata 19
Mahina

"You're right. It's a mistake. I'm sorry if I take advantage of you, hindi ko dapat ginawa iyon. Pinigilan ko sana ang sarili ko." Elf said in his deep and apologetic voice.

Actually, I didn't mean what I said to him just a while ago. Inaasahan ko nga na sasalungat doon si Elf at sasabihin niyang paninindigan niya ako. Pero sino nga ba naman ako para gawin niya iyon? Isa lang naman akong nagkukunwaring girlfriend niya. He doesn't love me, kaya bakit siya aako ng responsibilidad sa taong hindi naman niya mahal?

Nilingon ko si Elf at nakita ko ang pagsusumamo sa mukha niya habang ang mga mata niya ay nangungusap na nakatitig sa akin.

Hindi ko siya kayang tignan ng matagal kaya muli akong bumaling sa mga kasama namin na masayang naglalaro ng volleyball.

"We're both drunk. Walang nag take advantage, Elf. Pareho tayong nadala sa tukso."

Huminga ako ng malalim at saka tumayo sa kinauupuan namin. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng tingin ni Elf sa akin.

Pinagpagan ko ang pang-upo ko at saka ko muling nilingon si Elf. "Let's forget it." sabi ko pa sa kanya.

I really wish I can forget it, but that's my first. I know that I will remember it forever. Until my heart stop wanting him.

Last night was so amazing. Bawat halik at hagod ni Elf sa buo kong katawan ay hinding-hindi ko makakalimutan. Hindi lang dahil sa tukso kaya ako nagpaubaya sa kanya. Pinaubaya ko kay Elf ang sarili ko, dahil gusto ko, kasi mahal ko siya. And just like what I said, hinding-hindi ko pinagsisisihan ang lahat.

Gusto ko rin marinig kay Elf iyon, gusto ko rin na sabihin niyang hindi niya pinagsisisihan ang mga nangyari. But that's imposible. Siguro nga'y sising-sisi na siya at baka naguguilty pa dahil may nangyari sa amin sa mga sandaling hinihintay niya si Divine na umamin na rin ng tunay niyang nararamdaman.

Matapos naming makapag-usap ni Elf tungkol sa nangyari kagabi. Akala ko ay magiging okay na kami. But after we spoke to each other, tila mas lalong tumaas ang pader sa pagitan naming dalawa. Hindi kami nagtatabi at hindi rin nagkikibuan, pero paminsan-minsan ay nagtatama ang mga mata naming dalawa.

Mabuti na lang at naging abala kaming lahat sa mga nagdaang oras kaya hindi napansin ng mga kasama ko na may ilangan na nagaganap sa pagitan namin ni Elf.

Dahil second day na namin dito sa beach resort ay nag-try na kami ng ibat-ibang activities. Like, zipline, banana boat, kayaking at nag ATV. After ng mga activities na ginawa namin ay nagtampisaw ulit kami sa tubig mga bandang alas-quatro ng hapon, katatapos lang namin mag merienda at hindi na ganoon kainit ang sikat ng araw.

Tahimik at prente akong nakaupo ngayon sa rainbow unicorn inflatable floater bed habang pinanonood ang mga pinsan ko na naghaharutan sa tubig. This time, they're with their girlfriends. That's why I chose to stay away from them. Nabibilib nga ako kay Clark dahil nagagawa niyang makisama sa mga pinsan ko na panay yakapan at halikan habang kasama ang mga girlfriend nila.

Samantala sa buhanginan ay as usual, magkasama na naman si Elf at Divine na tila may nakakatuwang usapan dahil pareho silang nakangiti.

Agad kong inilayo ang tingin sa kanila at niyakap ang leegan na bahagi ng sinasakyan kong rainbow unicorn at saka hinilig ko ang ulo ko rito at tinanaw ang kalmadong dagat na di katulad kahapon na may mga higanteng alon ang humahampas sa mga buhangin.

"Fantasia."

Tama ba ang naririnig ko? Elf?

Nag-angat ako ng ulo at lumingon. Napakunot ang noo ko nang makita ko na lumulusong siya at patungo rito. Salubong ang kanyang mga kilay, nakakunot ang noo at mababakas ang iritasyon sa mukha niya. I can even see his jaw clenching.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon