Kabanata 23
Hindi ko kaya
Pagpasok ko sa kwarto ko ay tinanggal ko muna ang suot kong sandals, itinapon kung saan ang aking sling bag at saka ko ibinagsak ang sarili ko sa malambot kong kama. Tumihaya ako ng higa, idinipa ang aking mga braso at ipinikit ang mga mata ko upang muling alalahanin ang mga nangyari kanina.
I'm still high of all the things that happened. Ibang-iba si Elf kanina, maybe it's the other side of him that transformed into a real boyfriend. Iyong mahigpit niyang paghawak sa kamay ko habang nakikipagsiksikan kami sa maraming tao, iyong pagpasan niya sa akin sa balikat niya at iyong paghila niya sa akin at paghapit niya sa baywang ko nang muntik na akong mabangga ng sasakyan. Idagdag pa ang nag-aalala at nangungusap niyang mga mata. The way he treat me tonight, makes me feel that I'm the most beautiful and important girl in the world. Ramdam na ramdam ko kung paano niya ako protektahan, na halos makalimutan ko na rin ang lahat ng sakit na pinararamdam niya sa akin sa mga nagdaang araw.
Hindi man namin kasama si Divine kanina ay tila hindi iyon nakaapekto para ienjoy ni Elf ang concert. Ang saya niya kanina at walang halong pagkukunwari iyon. How I wish, he's always like that. Iyong masaya lang siya habang kasama ako.
"Salamat sa pagbisita, Fantasia." nakangiting sabi ng mommy ni Clark na dinalaw ko rito sa St. Luke.
Dinalhan ko ito ng bulaklak at isang basket ng mga prutas.
"I'm glad you're fine now, tita. Magpalakas po kayo."
"I will. Akala ko talaga, katapusan ko na. Habang naninikip ang dibdib ko at isinusugod ako rito sa hospital, paulit ulit kong dinarasal na sana wag muna akong bawian ng buhay, hindi ko pa kayang iwan ang mga anak ko at marami pa akong gustong gawin dito sa mundo. At awa ng diyos, pinakinggan niya ako. I still want to live longer, gusto ko pang makasama ang mga magiging apo ko kay Clark."
Pigil ko ang pagtawa sa sinabi ni tita. Nang lingunin ko naman si Clark ay hinihimas niya ang kanyang batok at nakayuko na tila nahihiya.
Mahigit isang oras din akong nakipagkwentuhan sa mommy ni Clark nang magpasya na akong magpaalam dito.
"Salamat sa pagdalaw kay mommy, Fantasia. For sure dagdag points ka na naman sa kanya, isa ka pa naman sa candidate niya to be my future wife." nangingiting sabi ni Clark habang naglalakad kami sa mahabang hallway, pababa ng hospital.
Gusto niya kasing ihatid ako hanggang labas, kung saan naghihintay ang driver ko.
Noon pa man ay vocal na si tita sa pagsasabing gusto niya ako para kay Clark. The problem is, I don't have feelings for her son 'cause I only see him as a friend. Bestfriend to be exact. At alam ni Clark iyon.
"Sino-sino pa ba ang nasa list ni tita ng future wife mo? Ligawan mo na nga ng may maanakan ka na. Sabik na sabik na sa apo ang mommy mo, palibhasa ay ikaw ang unico hijo." biro ko kay Clark.
"Ikaw lang naman ang kilala ko sa future wife list niya. Kaya lang, hindi ka naman pwedeng ligawan kasi baliw na baliw ka na sa iba." pagdidiin ni Clark.
Totoo naman ang sinabi niya kaya tinawanan ko na lang.
"Ano nga pala ang nangyari pag-uwi ko? Tinuloy mo ba ang plano?"
"Paano ko naman itutuloy, eh wala ka na. At saka, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagkatapos namin kumain, naglakad-lakad kami sa highstreet--"
"Kayong tatlo?"
Tumango ako.
Napangiwi naman si Clark at nagkamot ng ulo. "Sana umexit ka na 'non at hinayaan mo na silang dalawa."
"Nawala sa isip ko. Nag-aalala kasi ako kay tita mang mga oras na iyon."
"And then, what happened next?"
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
General FictionFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
