Hi nga pala kay Gemanell Pilarca na nagmamahal kay Jethro Elizconde at sumusubaybay sa kwentong 'to. Salamat 😊 Ipapasyal ako nyan sa cebu. haha
--------------------------
Kabanata 48
Why
"Who's that? Bakit hindi mo sagutin?" tanong ni Elf na nakataas ang isang kilay habang ibinobotones ang kanyang longsleeve.
Hinagis ko sa kama ang cellphone ko at lumapit sa kanya at saka tinulungan ko siyang ibotones ang longsleeve niya.
"Si Clark. Nag-aalala siguro dahil hindi pa ako umuuwi. Tamang-tama, nasa bahay siya."
"How did you know he's in the house?"
"He texted me. Tumatawag na rin sa akin si mommy at daddy. They're probably home already."
"Baka hinahanap ka na rin ni Flo. We need to hurry up."
Inayos ko ang kwelyo ni Elf at saka mariin ko siyang tinignan. "Don't forget your copy of the video."
Tumango naman siya. "It's on the flash drive."
"Good."
Umangat ang isang sulok ng labi ni Elf. "You looks like you're ready for war."
Nginitian ko naman siya. "I am." at saka naglakad palabas ng kwarto niya.
Umuulan pa rin ngayon. Mahina lang iyon pero mahigit dalawang oras na yatang hindi tumitigil.
Tumingin ako sa side mirror. Nakikita ko sa likod ng mazda ang itim na rolls royce ni Elf, na nakasunod sa akin. From blue to black.
Dahil sa walang tigil na buhos ng ulan. Nagdulot iyon ng baha sa ilang lugar and we're stuck in traffic right now.
Mukhang sinusubok talaga kami ni Elf ng tadhana. Sasabihin na lang namin ang totoo sa lahat ay pinahihirapan pa kami ng ganito.
Dumiin ang hawak ko sa steering wheel nang maalala ko ang mga sinabi ni Divine at Elf. Naninikip ang dibdib ko sa galit kay Clark. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin.
Binilog niya ako at ang pamilya ko. Pinaniwala niya na isa siyang kaibigan na makakaramay ko sa problema ko, pero ang totoo...siya pala ang dahilan ng problema ko.
Sana pala, hinayaan ko na lang siyang mawala noon sa buhay ko. Hindi ko na lang pala sana binuhay pa ang pagkakaibigan namin, kung alam ko lang na magiging ganito si Clark.
Matapos ang halos kalahating oras ay nakawala kami ni Elf sa traffic at nagtuloy-tuloy ang byahe, hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nakailang busina ako nang pagbuksan ako ng gate ng isa sa mga katulong namin. Naiwan naman ang sasakyan ni Elf sa tapat ng gate. Napansin ko rin ang sasakyan ni Clark sa tapat.
"Ma'am kanina pa po kayo hinahanap ni sir Clark at ng daddy niyo. Nag-aalala na nga po dahil panay lang ang ring ng phone niyo." balita sa akin ng katulong.
"Mauna ka na sa loob. Pahiram naman ng payong, may kasama kasi ako."
Inabot sa akin ng katulong namin ang payong niya at saka nagmamadali kong binuksan ang maliit na gate namin upang labasin si Elf.
"You ready?" nakangiting tanong ko sa kanya ng sukuban ko siya ng payong.
Seryosong tinanaw naman ni Elf ang bahay namin at saka bumaling sa akin.
"Let's get inside." yaya ko sa kanya.
Kinuha naman ni Elf ang kamay ko and he intertwined our fingers.
"Manang, sigurado ka bang nag grocery lang siya? Nandito na sana dapat iyon." dinig kong sabi ni mommy nang makapasok kami ni Elf sa bahay at naririnig namin na nag eecho ang boses nila at nasa tono 'non ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Fiksi UmumFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
