Kabanata 9

3.4K 110 11
                                        

Kabanata 9
Promise

"Wow! Hot chick, alert." namumuring sabi ni Clark na malapad ang ngiti paglabas ko ng gate namin. Nginitian ko rin siya dahil sa sinabi niya.

Nakasandal si Clark sa kotse niya at nakapamulsa ang kaliwanang kamay habang ang kanan naman niyang kamay ay hawak ang kanyang cellphone.

"I like what you wear too." sabi ko habang sinisipat ko rin ng tingin ang suot niya.

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Clark. "We can swap then." biro niya na mas lalong nagpangiti sa akin.

I really mean what I say. I really like what he's wearing. It's a navy blue shortsleeve paired with a black jeans and a brown espadrilles. He looks so clean and fresh, tignan ko pa lang siya kahit nasa malayo ay alam ko ng mabango siya.

Paglapit ko kay Clark ay hindi pa rin siya matinag sa pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Sa ukay-ukay ko lang binili 'to."

"No way?" hindi makapaniwang namilog pa nga ang mga mata ng kaibigan ko.

Simpleng rust color knitted longsleeve na turtle neck lang naman ang suot ko at itim na plaid pleated skirt at saka puting wedge shoes. Hinayaan ko lang na nakalugay lang ang buhok kong lagpas balikat na ang haba. Nagsuot lang ako ng hairclip na napapalibutan ng maliliit na pearls. Ang dulo naman ng buhok ko ay kinulot ko so that it won't look plain.

"Stop staring at me like that." saway ko kay Clark.

He smiled. "I can't help it." aniya.

"Fantasia!"

Sabay kaming napalingon ni Clark kay Daddy na nasa pinto.

"Yes, dad?"

"Don't forget the time."

Tumango lang ako sa kanya.

"Clark, take care of my daughter. Kapag may nangyaring hindi maganda dyan. Ikaw ang malalagot sa akin."

"I'll take care of her, Uncle."

"Have fun and take care." sabi pa ni dad bago siya muling pumasok sa loob ng bahay namin.


"Ano nga pala ang ginawa mo at napapayag mo si daddy?" tanong ko kay Clark 'nang nasa loob na kami ng kotse niya at bumabyahe na papuntang Q.C kung saan nakatira si Shanon.

"I just convinced him that I will really take care of you."

"Ganyan naman si dad e. Ang bilis niyang magtiwala sa iba, pero sa akin. Wala siyang tiwala."

"Hindi naman siguro sa wala siyang tiwala sa'yo. You're a girl. He's just being a protective father to you. Ganoon naman talaga ang mga tatay kapag babae ang anak nila."

Bumuntong hininga na lang ako at nirolyo ang aking mga mata at saka tumingin sa bintana ng sasakyan at tinanaw ang matatayog na building na aming nadadaanan.

"Tinawagan mo na ba si Elf?" Tanong ni Clark.

"I tried to call him before I get out of my room but his number is unattended. Baka busy pa."

"Sana niremind mo siya kagabi about sa usapan niyo."

"I did at ang sabi niya mag memessage na lang siya sa akin."

"That's good then."

"What if...hindi siya makapunta?" nag-aalalang sabi ko.

"Baka masapak ko siya."

"Clark!"

"Nag promise siya sa'yo diba? Pwes, tuparin niya." seryosong sabi ng kaibigan ko. 

"Paano kung okay lang naman kanila Shanon na hindi ko madala si Elf? You'll still punch him?"

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon