Kabanata 41
Handa
Dumiin ang pagkakahawak ko sa nakarolyong blueprint na dala ko, kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina pa gustong tumulo sa mga mata ko.
"You still love her. Mas matimbang pa rin siya sa puso mo. Tama ba ako?"
Nag-iwas ng tingin sa akin si Elf at napayuko.
"Maybe." kawal na sagot niya sa akin.
Lalong nag-unahan ang luha sa mga mata ko. Naninikip na ng sobra ang dibdib ko, hindi ako makahiga dahil parang pinipiga at tinutusok ito ng libo-libong kutsilyo.
Mapait akong natawa. "I thought, we're so inlove."
Nag-angat siya ng tingin. I can also see tears in his eyes that he's trying to hold back, but fails when it started flowing down on his cheeks.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng opisina ni Elf. Pareho kaming nagpapakiramdaman.
Hanggang dito na lang ba kami?
Ano pa ba ang saysay ng nararamdaman kong pagmamahal sa kanya kung sa puso niya, mas matimbang pa rin iyong isa at ngayon ay magkakaanak pa silang dalawa.
Kung ito na ang katapusan ng kwento naming dalawa. Siguro oras na rin para sabihin ko sa kanya ang totoo. Dahil pareho lang naman pala kaming nagtatago ng sikreto.
"So, you cheated first." panimula ko.
Kumunot ang noo niya. Tila nagtataka sa sinabi ko. "What do you mean?"
I look straightly in his eyes. Ready to spill out the truth. "I had sex with my bestfriend, Elf. Three weeks ago. So, I guess were fair now."
I saw his eyes widen a little. He was so composed but his jaw and fist clenched in anger.
"Why does it happened?"
"We got drunk and then the next day I woke up, I was lying in bed naked with him."
Nakita ko ang paghinga ni Elf ng malalim. "So, it's true." aniya bago niya ako mariin na tinitigan.
"Did you regret it or you like it?"
"Of course, I regret it! Because I thought that you've been faithful to me and this whole relationship is pure." pagtataas ko ng boses.
"You lied to me! You told me you're with your cousins. Why did you do that?" pagtataas na rin niya ng boses sa akin.
"Galit ka, Elf? Bakit, ano ba ang dahilan mo at hindi mo sinabi sa akin ang nangyari sa inyo ni Divine? Dahil ba gusto mo na habang buhay akong magpakatanga at isipin na kahit minsan, hindi mo natikman ang babaeng pinapangarap mo noon pa? Sabihin mo muna sa akin. Isang buwan, Elf. Sa isang buwan na iyon. Hindi ka man lang ba nakonsensya sa ginawa mo?"
"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin." anito.
Ganoon lang iyon? Talaga bang may pakialam sa akin si Elf? Bakit ganito siya kung sumagot sa akin? Bakit parang hindi siya nagsisisi sa mga ginawa niya?
Napailing-iling ako at saka sinapo ng palad ko ang aking noo.
"Sinamahan ko si Clark 'non sa isang bar. Inaya niya ako na mag celebrate dahil nagkabati na kami ulit. Pumayag ako dahil aaminin ko na nanabik akong makasama ulit ang kaibigan ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. Alam ko na magagalit ka, kapag nalaman mo na nagpunta ako sa bar kasama si Clark, kaya hindi ko sinabi sa iyo. Oo, nagsinungaling ako sa iyo, para makasama ang bestfriend ko. Mali ako, na hindi ko iyon sinabi sa iyo. Pero hindi ko plinano na makipag-sex sa kanya. Hindi ko plinano na may mangyari sa amin."
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Fiction généraleFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...
