Kabanata 5

4.1K 112 6
                                        

Kabanata 5
Relax

Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Elf ay nakaramdam ako ng doubt sa sarili ko.  Bahagyang nabawasan ang pag-asa ko na sa loob ng ilang buwan ay magagawa niya rin akong magustuhan, mahalin. Base kasi sa mga binitawan niyang salita, nararamdaman ko na tila may katiting na pag-asa pa siyang pinanghahawakan mula sa babaeng totoong laman ng kanyang puso. Maybe he's just waiting for the perfect time.

I wanted to know more about that girl para malaman ko kung anong laban ko sa kanya, pero ayokong tuluyang maubos pag-asa ko kay Elf kapag narinig ko ang tungkol sa kanya at manliit ako bigla sa sarili ko. Nagsisimula pa lang kami, hindi pa maaring matapos ito.

"Why are we so serious ? Let's change the to---"

"Balut!!"

Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil sabay kaming napalingon ni Elf sa mamang may hawak na rattan basket at naglalako ng balut.

"Dyan ka lang, bibili ako." ani Elf na hindi na hinintay ang sagot ko dahil dali-dali siyang tumayo at sinundan ang mama.

Never pa akong nakakain ng balut pero alam ko na isa iyon sa mga paboritong exotic food ng mga pinoy. Balut is a duck egg at ang pinakainaayawan ng ilang first timer na kumakain ng balut ay ang developing duck embryo na nasa loob 'non. I always wanted to try it pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon, siguro dahil hindi rin mahilig ang mga kaibigan o pinsan ko sa mga streetfood, lalo na sa exotic.

Ibang-iba si Elf sa mga mayayamang nakilala ko. Wala siyang arte, kayang makipagsabayan.

Pagbalik ni Elf sa kinaroroonan ko ay excited niya akong binigyan ng binili niyang balut.

Muli ay napatunganga lang muna ako habang pinanood si Elf kung paano niya kakainin ang ganoong klase ng itlog.

Una ay mahina at magaang na binasag ni Elf ang dulo ng itlog. Tinanggal niya yung shell sa tuktok at pagkatapos ay hinigop ang sabaw 'non.

Nakikita ko pa lang si Elf kung paano humigop ng sabaw ay parang natatakam na ako sa balut. Effective siyang commercial or advertising model dahil nakakadala ang galaw at expression niya.

Nakagat ko ang ibaba kong labi habang nakatingin ako kay Elf at kung paano tumulo mula sa gilid ng bibig niya ang sabaw ng balut. Pati nga pag galaw ng kanyang mga panga at adam's apple ay hindi nakawala sa paningin ko na para bang nagpatuyot ng lalamunan ko.

"Bakit hindi mo pa kinakain iyong sa'yo?"

Hilaw kong nginitian si Elf. "Eto na nga e, kakainin na."

Ginaya ko ang ginawa niya kanina. Mahinang pinukpok ko iyong dulo ng balut sa konkretong inuupuan namin, 'nang magkaroon na iyon ng crack ay sinimulan ko ng tanggalin iyong shell sa tuktok lang.

Nararamdaman ko na nakatingin sa akin si Elf na 'nang lingunin ko ay nakangisi siya sa akin habang pinanonood ang ginagawa ko.

"Bakit nginingitian mo ako ng ganyan? M-May mali ba sa ginagawa ko?"

Tumawa siya at saka umiling. "Namamangha lang ako dahil hindi ko ineexpect na ang isang spoiled brat na tulad mo ay marunong pa lang kumain ng balut."

"I'm not a spoiled brat!" asik ko sa kanya.

Muli niya akong tinawanan. "Alright, alright. Chill."

Inirapan ko siya at itinuon ang paningin ko sa itlog na hawak ko. Nangilabot ako noong makita ko iyong itim at mabalahibong nilalang na bahagya ko ng naaaninagan mula sa loob ng itlog.

Hindi ko pwedeng ipakita kay Elf na ngayon pa lang ako kakain nito dahil baka buskahin na naman niya ako. Kaya lang ay kinikilabutan talaga ako sa itim na nasa loob nito.

My Heart Chose You (HBB #7)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon