Kabanata 27
Possession"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Parang ang bilis ng mga nangyayari." Nakapangalumbabang sabi ni Clark.
Nasa canteen kami ngayon, sitting in our favorite spot at nagpapalipas ng oras dahil pareho naming vacant.
"Kahit ako, hindi rin makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat. Pero paggising ko kanina at nabasa ko iyong message ni Elf, naniwala na ako na totoo talaga ang lahat."
Elf texted me this morning. He greats me with 'I love you and 'take care' that made my day.
"Paano si Divine?" seryosong tanong ni Clark na nagtatanong ang mga tingin sa akin.
Nawala naman ang ngiti ko nang maalala ko si Divine. Hindi pa namin siya napag-uusapan ni Elf pagkatapos ng confession namin sa isat-isa.
"We can still be friends." sabi ko na lang.
Napalapit na sa akin si Divine at magkaibigan naman sila ni Elf. Walang magbabago sa relasyong meron kami kay Divine.
Kinuha ni Clark ang malaking clover chips sa gitna ng mesa namin. Binuksan niya iyon at saka agad na dumukot at sumubo ng ilang piraso.
"Nakakasiguro ka ba na hindi mo na siya makakahati sa puso ni Elf? Talaga kayang, hindi na siya mahal ni Elf? Parang ang hirap kasing paniwalaan na ang tagal niyang hinabol-habol ang babaeng iyon, tapos agad-agad bibitawan niya para sa isang babaeng ilang buwan pa lang niyang kilala."
I lost words and think about what Clark said. He has a point. But that doesn't mean that I should doubt Elf's feeling for me. Elf loves me the way I love him and that's all I have to believe.
"Hindi ba pwedeng na-realized ni Elf na hindi na niya mahal si Divine dahil sa akin?"
"Did he tell you when or how did it happen?"
Alanganin akong umiling.
"See! He hasn't explained to you how. Paano kung sinabi niya sa iyo na mahal ka niya dahil iyon ang sabi ng isip niya at hindi ng kanyang puso? Isip niya ang pinili niyang paniwalaan, dahil maaaring nararamdaman niyang wala na talaga siyang pag-asa kay Divine. And you're there, always one call away." mapanuyang ngumiti si Clark. "Para kang palay na kusang lumalapit sa manok at kumbaga sa multiple choice, you're none of the above. Hindi alam ni Elf kung tama pa bang ipaglaban niya ang nararamdaman niya kay Divine, that's why he chooses someone that might help him to forget her. Rebound."
Tiningnan ko ng masama si Clark. Naiinsulto ako sa mga sinasabi niya. Alam ko naman na tinutulungan lang niya akong pag-isipang mabuti ang mga desisyon ko, pero pinararamdam niya rin sa akin na option lang ako.
"Hey, wala pa namang time, huh?" confuse na sabi ni Clark nang tumayo ako sa kinauupuan ko.
"I will meet his parents." Mariin na sabi ko sa kanya bago ako naglakad palayo sa kanya.
Naramdaman ko naman na sinundan ako ni Clark.
"Fantasia!" Clark grab me from my wrist, trying to stop me from walking away.
"Ano ba!" singhal ko naman sa kanya kasabay ng marahas na pagbalya ko sa kamay niyang mahigpit na nasa pulsuan ko at saka ko siya hinarap.
Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng galit sa kaibigan ko. Totoong galit na hindi mapapantayan ng mga biro na ginagawa niya sa akin noon na ikinapipikon ko. Ibang galit ang nararamdaman ko ngayon, galit na bumabaon sa puso ko.
"Kung wala kang magandang sasabihin sa akin, wag ka nalang magsalita, Clark. Can you just be happy for us?"
"Concerned lang ako sa iyo, Fantasia."
BINABASA MO ANG
My Heart Chose You (HBB #7)
Fiction généraleFantasia Deborah Revaldi is a rich, beautiful and loving daughter of a politician. Wala siyang hindi nakukuha, but despite of her almost perfect life, salat sa pagmamahal ang dalaga. Hanggang sa makilala niya ang lalaking ayon sa hula ay sagot sa to...