Kabanata 42

3.3K 127 28
                                    

Kabanata 42
Flo



Dahil nagpositive nga ang dalawang pregnancy test na ginamit ko kagabi. Kinabukasan ay sinamahan agad ako ni mommy at Clark na magpatingin sa OB-gyn para maconfirmed ang pagbubuntis ko at para macheck na rin kung kamusta ang health ko at ni baby. Naging stress kasi ako sa mga nakalipas na araw.

Pagkatapos ng ilang minutong interview sa akin ng OB doctor ay inultrasound niya na ako. May pinahid siyang kung ano sa tyan ko at saka itinapat dito ang probe. Mula naman sa maliit na monitor ay nakita ko roon ang isang munting bilog.

"You see that small thing, misis. That's the embryo. It will develop and become a fetus after 8 or 9 weeks."

Marami pa itong sinabi pero ang ilan ay hindi ko maintindihan dahil sa mga medical terms na ginagamit nito. Kaya si mommy na lang ang nakikipag-usap dito.

"We will determine the gender of the baby at least 18 to 20 weeks."  dagdag pa nito.

"Ilang weeks na po ako, doc?" kinakabahang tanong ko.

Dito ko na malalaman kung sino ba talaga ang ama ng pinagbubuntis ko.

Tumingin si doktora kay Clark at sumunod ay sa akin. Ngumiti pa nga ito, akala niya yata ay si Clark ang asawa ko o nakabuntis sa akin.

"You're 4 weeks pregnant."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Tinignan ko pa nga si Clark at saka hinaplos ko ang tiyan ko.

Wala pang nangyayari sa amin ni Clark nang mga panahong iyon. That means, Elf is the father of my child.

Napapikit ako at bahagyang napangiti. May bahagi ng puso ko ang nagbubunyi na malamang si Elf ang ama ng dinadala ko.

Ganoon pa man ay natatakot ako sa sitwasyon ko ngayon. Hindi pa kasi ako handang maging ina.

Nang maging kami ni Elf, nawala na sa isip ko na mabubuntis ako. Although, madalas naming ginagawa ni Elf iyon without protection, he was just doing the withdrawal method, sometimes. Minsan naman kapag sinabi ko sa kanyang safe ako, he's not pulling it out.

Napakagat ako ng ibaba kong labi nang saglit na pumasok sa alaala ko ang ilang beses na pagnanaig naming dalawa.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na may nangyari sa amin. At hindi ako makapaniwala na sa daming beses na nangyari iyon, ngayon lang dumating ito. Sa panahong hindi ko na siya kasama.

Nagbalik ako sa sarili ko nang muli kong marinig na nagsasalita si doktora. Napatingin naman ako sa monitor at habang nakikita ko ang munting bilog na nasa tyan ko ay hindi ko maiwasang mapaiyak sa tuwa.

Lalo na't ang batang dinadala ko ay si Elf ang ama. My child is a product of love. Not an accident.

A temporary love. Pagkaklaro sa akin ng isipan ko.

Ano kayang magiging reaction ni Elf kung kasama ko siya ngayon? Katulad kaya ng ibang daddy ay matutuwa rin siyang makita ang anak niya kahit isa palang itong embryo?







"You're not going to tell him about the child, Fantasia. Hayaan mo na si Clark ang kilalaning ama ng anak mo. Elf don't deserves you both." matigas na sabi ni daddy nang ipaalam ko sa kanya na balak kong sabihin kay Elf ang totoo.

"Ayokong makilala niya ang apo ko. Pagkatapos niyang bumuntis ng ibang babae, habang kayo pa. Sinira niya ang tiwala ko sa kanya. Binalaan ko siya noon na sa oras na saktan ka niya, ilalayo ko siya sa iyo at hinding-hindi ko hahayaan na saktan ka niya ulit."

"Pero, dad. He deserves to know the truth. I know he'll be responsible for our baby."

"Hindi mo siya kailangan, anak. We can provide anything for the both of you. And Clark is there willing to be the father of your child."

My Heart Chose You (HBB #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon